Ito ang unang araw ko sa bago kong papasukang eskwelahan. Hila-hila ko ang maleta lulan ang mga gamit ko. Nanggaling pa ako sa ibang probinsya at pinili kong magpakalayo-layo. Gusto kong makalimutan ang nakaraan. Umaasa akong sa paglayo ko ay... hindi ko an ulit maranasan ang mga naranasan ko sa dati kong pinapasukan.
Natutunan kong hindi dapat ako kaagad na magtiwala. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa dorm kung saan ako titira ng ilang taon.
"Third floor," bulong ko sa aking sarili nang makarating sa lobby bago inikot ang aking mga mata. Napakamot ako ng ulo bago napatingin sa dala kong maleta nang mapagtantong walang elevator. Hinila ko ang maleta patungo sa hagdanan at binuhat 'yon paakyat. Nakarinig ako ng pagyapak pababa ng hagdanan ngunit hindi ko 'yon pinansin.
"Hello!" pagbati ng isang tinig kaya natigilan ako at napatingin. Isang guwapong lalaki pala ang pababa at nakasalubong ko. "Kailangan mo ng tulong?"
"Ah, hindi na. Kaya ko na 'to."
"I insist," wika niya bago ako nilapitan. "Anong floor ka?"
"Third floor," tugon ko.
"Uy, sa third floor din ako! Anong dorm number?"
"312."
"Roommate! Sa Room 312 din ako. Siya nga pala, ako nga pala si Jake. And you are?"
"Stephen. Nice to meet you."
"Likewise."
Tinulungan nga ako ni Jake buhatin ang dala kong maleta paakyat sa pangatlong palapag. "Salamat," pasasalamat ko. "Okay na ako rito. Mukhang may pupuntahan ka pa."
"Magmemeryenda lang sana ako. Ang init kasi. Gusto mong sumama?"
"Uhm," tangi kong nasabi bago napatingin sa maleto ko.
"Just fix your things later," wika niya. "I just arrived, too. Sabay na tayong mag-ayos mamaya."
"Sige," sa wakas ay pagpayag ko. "Ilagay ko lang 'to sa dorm."
"This way," wika niya bago ako ginabayan sa dorm room. Gamit ang susi ay binuksan ko ang pinto. May apat na bunk bed sa loob. 'Yong nasa taas ang kama tapos ilali ay study area. "Kinuha ko na itong bed 1. Mas malapit kasi sa restroom."
"May kumuha na ba ng bed 3?" tanong ko sabay turo sa bunk bed sa tapat ng kama niya.
"Wala pa," tugon niya. "We're the first to arrive here."
"Dito na ako," anunsyo ko bago itinulak ang maleta ko papunta sa study area. "Tara na."
Magkasunod kaming lumabas ng dorm. Habang nasa pasilyo ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman 'yon at tiningnan ang screen. "Si Mama," wika ko kay Jake. "Sagutin ko lang."
"Sure, go ahead."
"Hello, Ma," pagbati ko nang sagutin ang tawag.
"Stephen, nasaan ka na?" nag-aalala niyang tanong. "Nakarating ka na ba sa Saint Anthony?"
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...