Final Chapter

111 8 2
                                    

Aldren's Point of View

Habang pataas ng hagdanan ay nagsimulang mag -ring ang phone ko. Huminto ako saglit at sinagot 'yon.

"Hello," pagbati ko.

"Sir Aldren, nakahanap na ako ng lead tungkol sa pinapahanap mong si James Wang," balita niya. Kaagad kong napagtantong ang Private Investigator ang kausap ko. "Puwede ba tayong magkita ngayon para maibigay ko ang report?"

"Sige po, wala pong problema."

"Pumunta ka lang sa opisina ko."

"Sure," pagpayag ko.

Muli akong bumaba ng hagdanan at lumabas ng men's dormitory.

"SO, what did you find about James?" tanong ko nang makarating sa opisina.

Pagkatapos ng lahat ng narinig ko mula kay Lolo Makoy ay mas lalo kong ginustong malaman ang katotohanan.

Hindi ako naniniwalang ganun-ganun na lang na iniwan ni James si Miguel. Alam ko at naiintindihan ko kung gaano kamahal ni James si Miguel.

"Nakaahanap nga rin pala akong impormasyon tungkol kay Miguel Carlos.

"Then, I want to hear about him first," wika ko.

Lahat ng sinabi niya tungkol kay Joaquin ay tulad ng mga sinabi nina Lolo Makoy.

"Sa China namatay si James, isang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Miguel," balita niya. "Ikinasal siya sa isang babaeng nagngangalang Cindy Cua."

Bakit siya nagpakasal siya kay Carla? Totoo nga ba na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Miguel?

"Ano pong ikinamatay niya?"

"Suicide."

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig 'yon.

"B-bakit?"

"I'm so sorry but I've reached a dead end. Kahit na anong paghahanap ko ng kasagutan ay wala akong mahanap. Para bang binura siya sa mundo" paliwanag niya. "Pero susubukan ko pa ring makahanp ng iba pang impormasyon."

I still feel disappointed when I got out of that office.

Sobra akong naguguluhan sa mga nagaganap. Ayokong maniwala na ganun ang nangyari sa dalawa; lalo nang hindi akong nniniwala na Cindy ang pinili niya.

Sumakay ako sa aking kotse at nagsimulang magmaneho.

Hindi ko namalayan na patungo na pala ako Binondo.

Tila ba tinatawag ako ng lugar na 'to.

Nagtungo muna ako sa malapit na mall para mag-park.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nagsimula akong maglakad patungo mismo sa Chinatown.

Ilang tindahan ang aking linagpasan hanggang sa makarating ako sa tindahan na pagmamay-ari ng mga Wang. Pakiramdam ko ay ilang beses na akong nakadalaw dito. Sa paglipas ng panahon ay lumawak na ang kanilang mga branches pero hindi pa rin nagbabago ang itsura ng pinakaunang tindahan na tinatag nila. I decided to enter the shop. Tumingin ako sa akin paligid.

"J-James," pagtawag ng isang tinig. Kaagad akong napatingin. Ang Ate ni James. Lumapit siya sa akin. "Pasensiya na. Nakita ko lang sa'yo ang kapatid ko"

Pinanood ko siyang tumalikod.

"Jiejie," inboluntaryo kong pagtawag sa kanya. Kaagad siyang natigilan at napatingin sa akin.

"A-anong tinawag mo sa akin?" nagtataka niyang tanong.

"S-sorry," paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko alma kung paano maipapaliwanag sa kanya ang mga nangyayari sa akin... na kilala ko siya dahil sa mga ala-ala ni James.

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon