Chapter 7

147 5 0
                                    

Adrian' Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Adrian' Point of View

"Sophia, could I ask you a favor?"

"Sure."

"Pwede bang, uhm, tulungan mo akong mapalapit sa kanya?"

"Wow. Sa tagal ko na rito sa Saint Anthony, ito ang unang beses na narinig kong may nagugustuhan ang Prinsipe naming si Adrian," tukso ko.

"Prinsipe?" nagtataka kong pag-uulit.

"Asus, you know you're one of the popular ones dito sa Saint Anthony. Anyway, hindi ko maipapangako na magiging aganda 'yong resulta ng pagtulong ko sa'yo. It will really depend on Stephen if he wants to accept your friendship."

"I understand," tugon ko. "Thank you."

"Osiya, andyan na ang sundo ko," paalam niya nang matapat kami sa School of Liberal Arts. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa library. Pagkapasok ko ay dumeretso ako sa Business Section. Inilabas ko ang aking laptop at ilang libro para mag-aral. Habang nagbabasa ay tumunog ang messenger app ko, nag-chat si Kazu. Roommate ko siya sa dorm.

"Saan ka, bro?" tanong niya.

"Library."

"Again? It's just the beginning of the sem."

"What do you need?"

"Nevermind. Boring mo pa rin as always."

"Whatever."

"I'll come. I'm bored here."

Parang ewan itong si Kazu; boring daw ang pagtambay sa library pero pupuntahan din lang ako dito. Habang nagbabasa ay naramdaman ko ang pagod sa aking ginagawa. Inilapag ko ang libro at pumikit.

"James," pagtawag ng isang malamig na boses.

Pamilyar ang pangalang 'yon. Inangat ko ang aking ulo at tumingin ako. Wala na ako sa library kundi nasa likuran ng sasakyan. May katabi akong matandang lalake. Pamilyar ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay tatay ko siya.

Nananaginip siguro ako.

"Nǐ zài tīng wǒ shuōhuà ma? (Are you listening to me)"

Is that Chinese? Wala akong dugong intsik pero naintindihan ko ang sinabi niya.

"Shi de, baba (Yes, Dad)," tugon ko.

Napatingin ako sa aking suot; isang traditional Tangzhuang. Sa kabila ko ay may katabi akong babae. Mukhang mas matanda siya sa akin ng ilang taon.

Jane. Ito ang pangalang nasa isipan ko. At nakatatanda ko siyang kapatid. Tumingin ako sa labas ng bintana. I felt like I traveled to the past.

Is this Manila?

The style of the buildings looks old. Even the cars, all are vintage models.

Bigla na lang nag-iba ang paligid.

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon