Chapter 33

64 6 0
                                    

Stephen's Point of View

"May napapanaginipan ka rin bang mga taong pangalan ay Miguel na may kaibigang Theresa?"

"Paano mo sila kilala?" naguguluhan niyang tanong.

"Napapanaginipan ko rin sila," sagot ko. "Sa panaginip ko naman ay ako si Miguel."

"Kaya ka nasa Chinatown?" tanong niya. "And that's why you're here?"

Tumango ako bilang pagkurma.

"Why is this happening to us? I mean... why us?"

"Hindi ko rin alam, Aldren. Pero malakas ang kutob ko na... may malaki tayong koneksyon sa kanila."

"What connction? Sigurado akong hindi ko kamag-anak si James. Wala akong lahing Chinese."

Naalala ko si Prof at ang mga sinabi niya kanina. "May kakilala akong sinabi sa akin na kasama ko sa buhay na 'to ang nakatakda sa akin."

"And?

Ipinaliwang ko naman sa kanya ang tungkol sa nakikita ni Prof. tugkol sa pulang pisi at sa reincarnation.

"Okay? And what does this red string of fate have got to do with me and you?"

"May napanaginipan ka ba tungkol sa pagkakataong lumabas sina James at Miguel?" tanong ko. "'Yong araw na namsyal sila sa parke."

"Is it after Miguel's birthday?" tanong niya. Tumango ako. "Naaalala mo ba 'yong binigay na regalo ni James kay Miguel?"

"A shirt."

"At?"

"At? I think it's a red string bracelet."

"Tama," tugon ko. "Hindi kaya si Joaquin at Chris at itinadhana sa isa't-isa?"

'Okay, and?"

"Hindi kaya... ako at si Miguel ay iisa? At kaya rin ni James?"

"How did that happen?"

"Reincarnation. Mga nakaraang buhay natin sina James at Miguel."

"T-that could be possible," wika niya. "And maybe that's why I can't see myself in my dreams."

"Aldren, kailangan nating malaman kung anong nangyari sa kanila," wika ko. "Baka 'yon ang kasagutan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."

Ipinagtabi ko ang mga larawan nina James at Miguel.

"Sa wakas, nakita ko na rin ang itsura ni Miguel," wika ko.

"And this is James," pabulong na saad ni Aldren. "He's good looking like me.

"Paano nga pala natin malalaman kung anong nangyari sa kanila?" tanong ko.

"We need to talk to people who know them. How about Theresa?"

Napailing ako.

"Hindi naging maganda ang unang pagkikita namin," balita ko.

"You've already met?" gulat niyang tanong. "P-paano mo siya nahanap?"

"Hinanap ko siya agmit ang ilang impormasyong nakuha ko sa mga panaginip at pangitain ko," paliwanag ko. "Hinanap namin—"

"Namin? With who?"

"Si Jake," tugon ko. "Nakuwekuwento ko sa kanya ang mga panaginip ko at naniniwala siya. Hinanap namin sila sa yearbook na nasa library. May shop ang pamilya nina Theresa sa Binondo."

"James too," saad niya. " Naaalala mo ba 'yong shop na binilhan niyo?"

"Yung tindahan na tinititigan mo?"

"Yeah. James' family owns that," paliwanag niya. "And I saw James' older sister there."

"Sa tingin mo ba, makakausap natin siya tungkol kina Miguel at James?"

"I'm not sure," tugon niya. "Pero malapit sila sa isa't-sa. I'm just afraid that she won't believe us."

Napatango ako.

"Ang totoo niyan, may isa pang taong sa tingin ko ay puwede nating maka-usap."

"Who?" tanong niya. Kinuha ang sketch ni Makoy. "And he is?"

"Si Makoy," tugon ko. "Nakababatang kapatid ni Miguel. Ang problema lang ay kung paano natin siya hahanapin."

"Leave it to me," saad niya. "Nagpahanap ako ng Private Investigator. Can I take photos of those sketches?"

"Sige," pagpayag ko. Kinuhanan nga niya ng larawan ang mga sketch.

"I think we need to talk," wika niya. "Let's have dinner together."

"Sige," pagpayag ko. "Pero kailangan ko munang magpaalam kay Jake."

"Do you really have to?"

"Magtatampo 'yon kapag nauna akong kumain nang hindi nagpapaalam sa kanya."

"Are you really that close?"

"Oo. Siya lang kasi ang kaibigan ko rito tapos roommate ko pa siya," paliwanag ko. "Tapos magkaklase pa kami."

"I'm jealous," saad niya sa sabay simangot. "You know what? I truly believe I was James. I fell in love the first time I saw you."

"Ako naman, matinding galit na ang naramdaman ko sa'yo," tugon ko. "Baka naman may galit ako sa'yo noong past lives natin. Siguro nambabae ka."

"I don't know what truly happened in the past but I'm sure that in this lifetime, I will never do that. If they are really destined for each other; then, nagkatuluyan sila.

"Ang sabi ni Prof, wala pa rin 'yong kasiguraduhan," tugon ko. "Nagkita pero hindi sigurado kung nagkatuluyan sila."

"Anyway, let's go," yaya niya. "You can call Jake if you want to."

"Sure ka?"

'Yeah. Should I be threatened?"

"Sira."

Minessage ko naman si Jake. Nagtungo kami ni Aldren sa Men's Dormitory para hintayin si Jake.

"You're together again," komento ni Jake nang dumating siya. "Anong meron?"

"Kakain lang. OA mo," komento ko.

"Kayo na ba?"sunod namang tanong ni Adrian.

"Hindi pa," tugon ni Aldren. "But if you can convince him; it's much appreciated."

Napatango naman si Adrian. "Kaya mo na 'yan, bro."

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon