"Nakakapagod ang araw na 'to," wika ko nang makarating kami sa dorm room namin. Naroon na ang dalawa pa naming roommate; si Glen at Tom.
"Anong meron?" tanong ni Glen nang matigilan siya sa paggawa ng homework at napatingin sa amin. "Naka-uniform pa ka'yo."
"Ah, inauguration of newly elected officers kanina," tugon ko bago inilapag ang mga gamit ko sa study area. Naagaw ng pulang kahon ang aking atensyon. Dinampot ko 'yon at binuksan. Sa pagkakataong ito ay wala akong nakita o narinig na kakaiba.
"Guys," pagtawag ko sa kanila. "May pagkain dito."
Hinati-hati ko ang mooncakes sa aming apat.
"Salamat," pasasalamat ni Tom. "San 'to galing?"
"Sa bagong bestfriend ni Stephen," singit ni Jake.
"Hindi ko siya kaibigan," pagtatama ko. "Tumigil ko; kung hindi, babawiin ko 'yang pagkain."
"Fine. Fine," pagsuko niya. "I'll zip my mouth."
Napailing na lang ako bago muling ipinatong ang kahon lulan ang mooncakes sa study table. Kumuha ako ng damit at nagtungo sa shower room. Dama k na ang pagod at antok kaya madalian akong naligo at nagpalit ng pantulog.
"Matutulog ka na?" gulat na tanong ni Jake. "Let's marites first."
"Napagod ako, Jake," tugon ko. "Matutulog na ako."
"Alright. I'll hang out with the dudes."
Napailing na lang ako bago umakyat ng kama ko at nahiga. Inayos ang kurtinang nagtatakip sa kama. Rinig kong nag-uusap na ang iba kong roommates. Hininaan nila ang kanilang boses upang makatulog ako nang maayos. Dala ng pagod ay kaagad din naman akong nakatulog.
Napakaingay.. Rinig ko ang mga taong nagsisigawan kasabay ng tunog ng mga tambol. Unti-unting luminaw ang paligid at natagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng mataong lugar. Nasa isa akong kalye at tila ba may isang selebrasyong nagaganap. May mga pulang paper lanterns na nakasabit sa gilid ng mga gusali. Ang daming signboards na intsik ang nakasulat; pakiramdam ko ay nasa China ako dahil doon.
"Xin nian kuai le! (Happy New Year)" sigaw ng isang batang dumaan at nilagpasan ako..
"Miguel!" pagtawag ng isang tinig ng isang babae. Hindi ko mawari pero tumingin ako. "Halika na naghihintay na ang lolo at lola ko."
"Pasensya na, ang dami kasing tao kaya nawala ako," paalam ko.
"Ayos lang. Tara na. Hawakan mo na lang ang kamay ko nang hindi ka na mawala pa."
Inalok niya ang kamay niya na siya ko namang kinuha. Hinila niya ako palayo kaya naman sumunod na lang ako.
"Teresa, sandali lang," pagpigil ko nang makita ang magsisimulang lion dance performance sa malapit. "Puwede bang manood tayo? Saglit lang."
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...