Nang makarating kami ni Jake sa School of Communications ay nagmadali kaming nagtungo sa lecture room. Nasa third floor pa 'yon at naisipan naming gumamit na lang ng hagdanan; ang dami kasing nakaabang ngayon sa elevator. Halos nasa bungad na kami ng lecture room nang madatnan naming nakatayo roon ang aming prof. Kapwa kami nahinto ni Jake sa pagtakbo.
"G-good morning, Prof!" pagbati namin ni Jake habang naghahabol ng hininga.
"Mr. Garcia... Mr. Anderson,why are you running in the hallways?" tanong niya sa amin. "You're not high school students anymore."
"Sorry, Prof," paghingi ko ng paumanhin.
"Just get in," bilin ni Prof bago kami pinapasok sa lecture room. Sa klaseng ito ay napipilitan akong makinig sa lecture. Napaka-strict niya kasi; madalas rin kasi siyang magtawag ng mga sasagot sa ilan niyang katanungan.
Sa totoo lang ay mas gusto ko ang actual practical applications kaysa sa pagmememorya ng kung anu-ano. Hindi ko lang siguro istilo ang ganoong klase ng pag-aaral. Sana lang ay makatulong ang kapeng binili namin ni Jake para makapag-concentrate sa klase.
Naging matagal para sa akin ang takbo ng oras sa klaseng 'yon. Kahit paano ay naintindihan ko naman ang linalaman ng lecture. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami ng lecture room. Ewan ko ba pero nakakatakot ang aura ng prof namin sa klaseng 'yon.
"Stephen, tara na," pagtawag ni Jake sabay akbay sa akin.
"Saan tayo?" tanong ko sabay tingin sa aking relos. "Lunch time na pala.
"Iisa lang ang subject natin but it felt like forever," wika niya.
"Kaya nga. Paanong hindi? Eh, dalawang oras ang klase natin ngayon tapos kailangan pa nating mag-overtime para sa reporting."
"True," pagsang-ayon niya. "And you study really well. Grabe focus mo while I... am struggling."
"Gusto ko lang magseryoso sa pag-aaral."
"Why? Did you not study well in High School?"
"Actually, seryoso ako sa pag-aaral noon pa lang," paliwanag ko habang naglalakad kami sa pasilyo. "Pero sobrang bumaba ang mga grado ko at naalis sa Top Students simula noong kumalat ang... ang tungkol sa akin. Hindi na ako nakapag-focused sa pag-aaral. Sobra akong naapektuhan sa mga nangyari at sa mga sinabi ng iba tungkol sa akin."
"Poor you," saad niya. " But don't worry. As long as I'm here at Saint Anthony; no one can hurt you."
"Maraming salamat, Jake," pasasalamat ko sabay ngiti.
"Stop it. You're my friend," tugon niya. "And friends stick together. But Stephen... Can I ask you something?"
"Ano 'yon, Jake?"
"Don't fall in love with me," tugon niya.
"Ha?!" saad ko bago natawa. "Jamie Sullivan is that you?"
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...