Pagkatapos makakuha ng makakain ay nagbalik ako sa aking upuan.
"Stephen," pagtawag ni Jake sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. Why'd you do that?"
"Ang alin?" nagtataka kong tanong.
"That guy... Adrian," paalala niya. "He's just being friendly tapos sinungitan mo. Dude, you don't have to be a bit rude. Teka nga, magkakakilala ba kayo? May ginawa ba siya sa'yo na masama?"
"Ito ang unang beses ko siyang nakita at nakilala," tugon ko.
"Pero bakit iritang-irita ka sa kanya?"
"Unang pagkakataon ko siyang nakita pero... alam mo 'yong pakiramdam na... matagal ko na siyang kilala."
Napatiti ako sa pagkain sa plato at natulala nang maikling oras.
"Hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko para sa kanya," pagpapatuloy ko. "Hindi ko alam kung bakit ako galit sa kanya."
"Galit?" tanong niya. "That's a really big word. Hindi man lang naasar... o naiinis... O nabuwubwusit. "
Alam ko sa aking sarili na hindi lang inis ang nararamdaman ko sa tuwing dumadapo ang aking tingin kay Adrian. Sa tuwing nakikita ko ksi siya ay tila ba naninikip ang dibdib ko at tila ba sasabog ito.
Napakibit-balikat ako at pilit na tinuon ang aking atensyon sa pagkain.
"Now, I really feel guilty eating this," komento ni Jake.
"Isa lang solusyon diyan."
"Ano?"
"Huwag ka nang kumain," tukso ko sabay tawa.
"Naur! Food is life. And isa pa, my Mama always tell me that... hindi sinasayang."
Natawa na lang ako bago napailing. Ilang araw ko palang nakakasama si Jake at batid kong kailangan pa namin ng kaunting panahon upang makilala nang lubos ang isa't-isa. Pero isang bagay ang sigurado ko, pagkain ang isa sa mga paboritong bagay ni Jake at palagi niya akong yinayayang kuamin kung saan-saan.
"Sandali lang, kukuha pa ako," paalam niya bago bumalik sa pila at kumuha pa ng pagkain.
"Hindi ka pa ba busog?" gulat kong tanong nang makitang marami siyang kinuha.
"Pang ibon ang dami ng binigay ni Adrian," reklamo niya.
"Eh, mukha ka rin namang ibon," argyumento ko. "Ibong masiba!"
"Hey! Stop insulting my appetite," tugon niya. Napatingin din ako sa katawan niya.
"Ang lakas mong kumain pero parang hindi ka tumataba," pagpansin ko.
"Well, I work out," tugon niya sabay flex ng kanyang bicep. Napaikot naman ako ng mga mata.
"Alam mo, malulugi ang mga restawrant na may unlimited promo kapag ikaw ang kakain," tukso ko.
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...