Chapter 45

72 8 0
                                    

Aldren's Point of View

Nauna nang nagpahinga si Stephen. Sumunod akong tumayo upang isara ang ilaw para makatulog siya nang maayos. Lumipas ang mahigit isang oras ay naramdaman ko na rin ang antok. Isinara ko ang aking laptop at nagtungo sa higaan ni Jake. Though I prefer sleeping beside Stephen, this will do. At least, we'll sleep in the same room.

******

"James, huwag kang kukupad-kupad," saad ni Baba. "Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa pamilya ng mapapangasawa mo."

Hindi na ako nakipag-argyumento pa. Wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa kanya. Makikipagkita kami sa mga Cua sa kanilang restaurant na pinapatakbo.

Gusto talaga ng mga angkan namin na maikasal kaming dalawa. Ilang araw ang ginugol nila sa pagpili at pamimili ng mga regalo na dapat naming ibigay sa mga Cua. Hindi naman nagtagal; nakarating kami sa Golden pavilion, isa sa mga fine dining restaurants ng mga Cua.

"Napaaga yata kayo ng dating," komento ni Mr. Cua.

"Nang mas marami pa tayong mapag-usapan na mga plano," tugon ni Baba sabay tawa.

"Kahit kailan, napakanegosyante mo talaga," wika ni Mr. Cua na nakisal sa pagtawa ni Baba. Napapatingin na lang kami ni Jiejie sa isa't-isa. Dumeretso kami sa VIP area ng restaurant kung saan naghihintay sina Cindy at ang kanyang ina. Kaagad na lumapit sa amin si Mrs. Cua.

"Narito na pala kayo," nakangiting niyang wika. "Pasensya na at hinahanda pa ang pagkain."

"Walang problema. Na-excite lang itong asawa ko sa mga kaganapan. Inilagay na nga namin ang mga detalye tungkol kay sa inyong anak na si Cindy sa altar ng mga ninuno namin."

"Lumagpas ang tatlong araw at puro magagandang balita ang dumating sa aming pamilya," masayang balita ni Baba.

"Kaya ipinatawag ko na kayo rito upang gawing opisyal na ang pagpapakasal ng mga ating anak. Osiya, maupo na kayo."

Tahimik akong sumunod. Naagawang aking atensyon nang mapansi ko na parang wala lang skay Cindy ang nangyayari. Para siyang isang tutang walang alam kundi ang sumunod sa kanyang mga magulang.

"Inihanda namin ang lahat ng pinagmamalaki ng Golden Pavilion para sa inyo. Isipin niyong regalo namin ito para sa inyo bilang mainit na pagtanggap sa aming pamilya."

"May inihanda rin kaming mga regalo sa inyo. Wei Sheng, ito ay para sa'yo," saad ni Baba sabay abot kay Mr. Cua ang isang itim na kahon. Binuksan niya ang kanyang natanggap na regalo. Inilabas niya ang laman; isang susi ng magarang sasakyan.

"M-maraming salamat, Jian Guo," gulat na pasasalamat niya kay Baba..

"Meiling," pagtawag ni Mama kay Mrs. Cua. "Para sa'yo naman 'to,"

Inabot niya ang isang paper bag mula sa isang mamahaling brand ng bag.

"Gan Xie, Yu Lan," pasasalamat ni Mrs. Cua kay Mama.

"Pag-usapan na natin ang kasal ng ating mga anak," wika ni Baba. Ngayon ko napagtanto na wala na talaga akong takas sa kasal namin ni Cindy. Hinawakan ni Jiejie ang aking kamay kaya naman napatingin ako sa kanya. Isang pilit na ngiti ang kanyang ipinakita sa akin.

"Magiging maayos ang lahat," pabulong niyang saad. Pinilit kong tumango at ngumiti pabalik kahit na lam kong wala na akong magagawa s amga desisyon ng aming mga magulang.

Para akong isang ibon na na nasa loob ng isang hawla;. walang kalayaan.

Walang kalayaan sa lahat ng bagay: ang magmahal ng taong pinipili, walang kalayaang maging sarili ko, at walang kalayaang mabuhay na naaayon sa gusto ko. Hindi na ako nakinig pa sa mga naging susunod nilang usapan. Pagkatapos makakain ay nagpaalam ako sa kanila na maglalakad-lakad muna ako. Nasa bungad pa lang ako nang may tumawag sa akin ngunit gusto kong mapag-isa kaya hindi ako nakinig at pinagpatuloy ang aking paglalakad.

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon