PAGKALIPAS ng mahabang oras ng pagmamaneho ay nakarating ako malapit Chinatown. Pagkatapos kasi ng klase ay napagdesisyunan kong bumisita. Hindi kasi ako mapakali sa mga napanaginipan ko and I felt like this place is calling me for an unknown reason.
Pagkababa ko ng sasakyan ay kaagad kong pinagmasdan ang Welcome Arc. Linagpasan ko ang arkong 'yon at magsimulang maglakad. Napaka-abala ng lugar na ito; napakaraming tao.
I don't feel anything strange; knowing that I have been here a couple of times.
Mukha ngang nago-overthink lang siguro ako.
It's a mystery and perhaps, dreams are just dreams.
Pero since narito na ako, I'll just buy something to buy and eat. After all, Binondo is known for the food. The shops here are quite interesting.
Natigilan ako sa aking paglalakad nang makarinig ng mga dagundong.
It sounded like drums.
Napatingin ako sa paligid at hinanap kung saan nanggaling 'yon.
But all I see are people.
"Guni-guni ko lang siguro,," wika ko sa aking sarili bago pinagpatuloy ang aking paglalakad.
Hindi pa man din ako nakakalayo ay muli na naman akong nakarinig ng dagundong.
Napatingin ako sa paligid; alam kong nasa Binondo pa rin ako pero parang nag-iba ang itsura ng paligid. May mga magagandang dekorasyong nakasabit sa tapat ng mga gusali. Mas lalong naging maingay. People are wearing clothes like they are from the seventies.
Napatingin ako sa aking sarili. I'm wearing this Chinese style clothes.
What is happening?
Sa kalayuan ay may mga sumasayaw na dragon dancers at lion dancers.
Am I going out of my mind? Napailing ako at napapikit sabay hawak ng aking ulo. I feel like my head is spinning
"Hijo, okay ka lang?" tanong ng isang tinig. Naramdaman kong may humawak sa braso ko. Lumingon ako; may babaeng nakasuot ng police uniform. "Okay ka lang? Nahihilo ka ba? Mainit ang panahon ngayon."
"O-okay lang po ako," tugon ko.
"Didi!' pagtawag ng isang pamilyar na tinig; lumingon ako. Everything's back to normal.
"Maiwan na kita," paalam ng pulis bago ako abutan ng tubig.
"Didi!"
Napasinghap ako nang muling marinig 'yon. Muli akong napalingon; kaagad na lumaki ang ang aking mga mata nang makita ang mukha ng Ate ni James sa gitna ng mga naglalakad na tao.
"Jiejie?" wika ko. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. "Sandali lang! Jiejie!" pagtawag ko bago siya sinundan. Sa dami ng tao ay nahirapan akong sumunod ngunit natatanaw ko pa rin sa kanya. Hindi nagtagala y nakarating ako sa isa sa mga kalye doon. Nakita ko siyang nakatayo roon.
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...