"Everyone!" pagtawag ni Ate Sophia kaya natigilan ang lahat. Kaagad kaming tumingin sa kanya at nakinig sa kung anong sasabihin niya. Hindi kasi kami nasabihan tungkol sa meeting na 'to kaya wala kaming kaalam-alam kung anong mapag-uusapan. "We know you're curious as to why you– we are here. I guess most of us are aware na... we don't have an official club yet for Communication majors. The School of Liberal Arts required us to establish one. So, kailangan nating mag-elect ng officers ngayong hapon."
Napatingin kami ni Jake sa isa't-isa. "Kailangan ba talaga tayo rito?" tanong niya sa akin. "Hindi naman natin kilala ang higher years."
"Oo nga," mahina kong pagsang-ayon bago muling tumingin sa mga estudyanteng nasa podium ngayon.
"This is an unofficial election," pagpapatuloy ni Ate Sophia. "Para lang may mailagay na mga pangalan sa papers na ipapasa sa Office of Student Affairs . Sigurado naman ako na gusto niyo nang umuwi agad, right?"
Sumang-ayon ang lahat.
"If that's the case, The faster we can choose our officers; the faster we can finish. Or if some of you could volunteer... the better."
"Ate, kayo na lang higher batches," wika ng isa sa mga blockmates namin.
"Well, hindi naman namin kayo ipapatawag kung kami-kami lang ang magiging officers, no?" komento ni Ate Sophia "Walang uuwi hanggang walang officers ang club natin."
"Hamak ding andiyan ka na, ikaw na ang mag-Presidente," wika ng isa sa mga nasa harapan. Kaagad namang pumayag ang karamihan; halatang gusto nang umalis. Namili na nga kami ng mga officers para sa club namin.
"I nominate Jake Anderson for Treasurer," paghalal ng isa sa mga kaklase naming babae sa kanya. Kaagad na napatayo si Jake sa gulat.
"Ayoko!" malakas niyang pagtutol. "Si Stephen na lang."
Bigla naman niya akong hinila papatayo.
"B-bakit ako?!" atungal ko.
"Mukhang mas kaya mo."
"Sige, basta isa ka sa mga PRO."
"We'll accept that bargain," singit ni Ate Sophia bago isinulat ang pangalan ko sa whiteboard kasunod ng pangalan ni Jake.
"Jake! Pinasubo mo ako nang wala sa oras!" reklamo ko.
"Sorry," paghingi niya ng paumanhin. "Don't worry, Stephen. We are both in this together."
Napasapo na lang ako ng ulo dahil wala na akong magagawa. Wala akong kaide-ideya kung paano at anong gagawin bilang isang officer. Naging mabilis na nga ang pagpili ng iba pang officers pagkalipas ng ilan pang minuto. Kinuha nila ang contact information ng mga napiling officers.
"Stephen," pagtawag ni Jake pagkalabas namin ng auditorium. "Nagugutom na ako. Tara na mag-dinner."
"Sige," pagpayag ko. "Sa dati pa rin ba?"
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...