Chapter 12

111 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Stephen's Point of View

"Mooncakes?" nagtatakang pag-uulit ni Jake sa huli kong sinabi sabay tingin sa paligid. Napakamot naman siya ng ulo bago muling ibinaling sa akin ang kanyang tingin. "May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?"

"Malinaw sa panaginip ko ang nakita ko," wika ko. "At sigurado akong dito dating nakatayo ang stall ng mooncakes na pinagbilhan ni... James ng moon cake."

"Pero sigurado ka na ba na totoo ngang nangyari sa totoong buhay ang napanaginipan mo?"

"Oo, Jake," pagkumpirma ko naman.

"Pano mo nasabi? And how sure are you?"

"Unang beses akong nakapunta rito sa Chinatown pero alam ko na kaagad kung nasaan ang mga tindahan na pinuntahan ko sa aking panaginip. Sigurado akong minsan ay may Miguel at James na itinadhanang magkita rito sa Binondo."

"Fine. I'm convinced," tugon niya. "So, what now?"

"Hindi ko rin sigurado," pag-amin ko. "Hindi ko pa rin alam kung bakit ko sila nakikita at napapanaginipan. Sana mabigyan nila ng sagot ang mga tanong ko para naman... matahimik na sila, at ako."

"That's tough.,"

"Natatakot din akong magpatuloy pa ang mga nakikita ko," pagpapatuloy ko. "Paano kung naging hindi maganda ang... pag-alis nila? Jake, ayoko pa naman sa horror!"

"Geez, hindi ka pa ba natatakot sa nangyayari?," retorikal niyang tanong bago napasapo ng ulo. "Anyway,, mag-food tour na muna tayo rito. Ililibre mo pa ako."

"Hoy, binilhan na kita ng siopao," natatawa kong tugon.

"Uhuh, and that's not enough."

"Tara na nga," yaya ko bago kami maglakad pabalik..

"Jake, gusto mo ba 'yun?" tanong ko nang mapadaan kami sa tindahan ng dumplings.

"Of course!"

"Mag-take out na lang tayo tapos sa dorm na lang natin kainin," suhestyon ko.

"Sure, pero kailangan din nating bumili ng dinner. That is not enough," pagpayag niya. Bumili kami ng dumplings bago naghanap ng makakainan upang bumili naman ng hapunan.

"Jake, salamat dahil sinabahan mo ako.," pasasalamat ko habang naglalakad kami palabas ng Chinatown..

"Do I even have a choice?" retorikal niyang tanong. "Parang ako lang naman ang kaibigan mo sa Saint Anthony. Hindi ka nga nakikipag-usap sa iba."

"Pasensiya na kung–"

"Stop right there! Don't misunderstand me. I like hanging out with you. What I'm trying to say is... try reaching out to others, too."

Napabuntong-hininga ako. "Ang totoo niyan... natatakot pa rin akong magtiwala sa ibang tao."

"Bakit naman?"

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon