Stephen's Point of View
Pagkarating namin ni Jake sa Dorm room ay kaagad akong dumeretso sa study area at naupo.Tumatak sa akin ang lahat ng mga nangyari ngayong hapon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakausap ko ang kaibigan ni Miguel na si Theresa.
Hindi ko alam kung paano siya maniniwala na nakikita ko ang nakaraan sa mga ng kaibigan niyang si Miguel. Kahit sinong makakarinig sa kwento ko ay mahihirapan ding maniwala.
So, what's your plan?" pagbasag ni Jake sa katahimikan.
"Hindi ko sigurado, jake. Nakita mo naman ang naging reaksyon ni Lola Theresa... kaya baka malabong makabalik tayo doon," tugon ko. "Wala akong ibang pagpipilian kundi hintayin ang mga susunod na panaginip at pangitain ko."
"I see. It's dispappointing that Lola Theresa is the biggest key in unraveling the mystery behind Miguel's death," komento niya. Napabuntonghininga ako bago tumango.
Tama siya. Mas madali na lang ang lahat kung maniniwala si Lola Theresa sa amin. Nakarami kong tanong pero napakailap ng mga kasagutan. Hindi ako makapaniwala na sa unang taon ko rito sa Saint Anthony ay magkakaroon ako ng kakaibang karanasan na hindi ko maipaliwanag. Inangat ko ang aking kamay at nakita ko naman ang suot kong purselas. Naalala ko si Aldren at ang binili niyang kaparehong purselas. Kung bakit ba naman ganoon ang binili niya? Mukha tuloy kaming magkasintahan kapag nagkasama kaming dalawa. Hindi ko pa rin maiwasang maipagkumpara siya sa lalake sa aking panaginip.
Pero...
Para bang nag-iisa lang ang dalawa.
Napa-iling naman ako. Masyado lang siguro akong na-stress sa mga nangyari ngayong araw. Napagdesisyunan kong magbasa muna. Hindi pa man ako nakapagsisimula ay naririnig ko ang ingay mula sa kinalalagyan ni Jake. Mukhang nanonood siya ng isang documentary.
"Jake!" pagtawag ko sa kanya; kaagad naman siyang lumingon. "Puwede ka bang gumamit ng earphones?Nadi-distract ako."
"Oh, sorry," paghingi niya ng paumanhin bago dinampot ang earphones at kinonekta sa kanyang laptop. Napailing ako at sinimulan na nga ang pagbabasa. Lagpas alas-onse na nang makaramdam ako nang pagod. Isinara ko ang hawak na libro at ipanatong 'yon sa mesa.
Naglakad ako patungo sa kinalalagyan ni Jake. Hinawakan ko ang balikat niya kaya naman napatingin siya sa akin. Kaagad niyang inalis ang suot niyang earphones.
"Mauna na akong matulog, Jake," paalam ko.
"Sure. Tapusin ko lang itong pinapanood ko," tugon niya.
Dumeretso ako sa aking kama at nahiga. Dahan-dahan naman akong kinuha ng aking nararamdamang antok.
Rinig ko ang huni ng mga ibon kasabay ng mga tinig ng nagsisigawang mga bata mula kung saan. Paanong may mga boses ng mga bata? Nasa mataas na palapag ang dorm room namin? Dala ng ingay ay napamulat ako ng ng mga mata.
"Nangyayari na naman," wika ko sa aking isipan.
Nananaginip na naman ako.
Umupo ako at tumingin sa paligid. Nasa kakaibang silid ako; malakas ang kutob kong nasa silid ako ni Miguel.
Gawa ang papag sa tabla. Karamihan sa mga gamit pambahay doon ay gawa sa kahoy.
Pakiramdam ko ay nasa isa akong pelikula. Bumaba ako ng kama, binuksan ang munting bintana at dumungaw. Kaagad kong nakita ang munting hardin sa baba, at ilang mga tao.
Napalingon nang may marinig akong pagkatok sa pintuan. "Kuya Migs! Kuya Migs!"
Kusang naglakad ang aking mga paa at pinagbuksan nga ng pinto ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...