Stephen's Point of View
"Pamana."
Natigilan ako nang para bang may bulong sa aking isipan bago ako nakakita nang isang maikling pangitain tungkol sa kuwintas ni Miguel na binigay niya kay James.
"Stephen, okay ka lang?" tanong ni Aldren kay bumalik ako sa aking katinuan.
"Ha?"
"You spaced out."
"May nakita na naman ako," wika ko.
"Biglaan naman yata?"
"May mga pagkakataong ganito," paliwanag ko. "Yong kwintas. Pamana 'yon ng lolo ni Miguel sa kanya.. Naalala 'yong nasa gitna ng pendant?"
"A red and white marbled center, tama ba?"
"Oo, tama," pagkumpirma ko. "Pero hindi 'yon totoong bato at hindi 'yon ang orihinal na nakalagay doon."
"So, anong nakalagay doon dati?"
"Isang brilyanteng natanggal at nahulog sa karagatan. Gamit ang Crayola at clear nailpolish, pinunan ni Miguel ang gitna nito."
"I see. Sa tingin ko mamalaman natin kung 'yon nga ang kwintas ni Miguel."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Ang laki nga ng pinagbago ng lugar na 'to," wika ko nang makarating kami sa parke; kaagad kong natanaw ang man-made lake na parati kong nakikita sa mga panaginip at pangitain. "Pero sa opinyon ko, mas maganda ang parke noong dekada '70."
"I agree," pagsang-ayon niya. Magkasunod kaming umupo sa damuhan. Hindi ko pa rin inalis ang aking tingin sa lawa. Umihip ang hangin, at bahagya nitong ginulo ang kanyang buhok.
"It's such a nice day, " wika niya bago hinawi ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Oo nga," pagsang-ayon ko. "Unang beses ko pa lang nagpunta rito, pero ang pakiramdam ko ay palagi akong narito."
"Dahil siguro sa mga nakaraang buhay natin."
"Naniniwala ka na talagang nagkita tayo noon?"
"Noong una, hindi. Pero sa mga nangyayari ngayon, naniniwala na ako," tugon niya. Napangiti ako at tumango. Binalot kami ng katahimikan. Kinuha niya ang kanyang biniling sketchpad at ilang lapis. Kinuha ko naman ang palagi kong bitbit na libro at nagsimulang magbasa. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng awitin mula sa puwesto ni Aldren. Nagpapatugtog siya. Nakinig ako habang nagbabasa. Nahiga ako sa damuhan bago pinagmasdan ang kalangitan.
Napaka-asul nito, at ang mga ulap ay parang mga cotton candy.
Napatingin ako kay Aldren nang magsimula siyang kumanta kasabay ng kantang tumutugtog. Napangiti ako bago muling itinuon ang aking tingin sa kalangitan.
Hindi ko namalayang nakaidlip ako.
*****
"Mama!"
Tinig 'yon ni Miguel. Ramdam ko ang lamig ng tubig sa aking katawan, at ang pagpatak ng ulan.
Unti-unting luminaw ang kapaligiran. Kaagad na bumungad sa akin sa akin si Mama. Hawak-hawak niya ang isang baril.
"Minsan mo pang saktan ang anak ko, hihilain ko ang gatilyo," pagbabanta niya.
"Sa tingin mo natatakot ako sa pagbabantang 'yan? Kilala kita; hindi mo kaya."
"Mama!" pagtawag ko.
Napahakbang ako papalikod nang bigla na lang pumutok ang hawak na baril ni Mama. Binaril niya ang lupa sa tapat ni Papa.
"Huwag na huwag mo akong hahamunin," wika ni Mama sabay lapit sa akin. Nakatutok pa rin ang baril na hawak niya kay Papa. "Sa susunod, noo mo na ang isusunod."
Hindi natinag si Papa; bagkus ay tumawa naman si Papa bago lumapit kay Mama. Hinawakan niya ang baril at itinapat sa noo niya.
"Mahal, gawin mo," nakangiting hamon ni Papa.
Tumingin ako kay Mama; kitako ang takot sa kanyang mga mata. Biglang hinablot ni Papa ang baril mula kay Mama. "Tama nga ako, malakas ka lang sa salita!"
Itinulak niya si Mama palayo bago niya hablutin ang aking braso. "At ikaw!"
Sinimulan niya akong hatakin paloob ng bahay. Hinila niya ako patungo sa bodega. Kaagad niyang inutusan ang kasambahay na bukan ang pinto. Kaagad naman silang tumalima. Itinulak ako ni Papa papasok at isinara ang pinto.
"Hinding-hindi ka lalabas diyan hangga't hindi kita matatawag na anak ko!" sigaw niya. Kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo.
"Papa! Mama!" pagtawag ko sabay katok ng pinto. "Palabasin niyo ako rito.
Takot ako sa dilim— si katauhan man ni Miguel o bilang ako, si Stephen.
Sa tuwing may pagkakamaling nagawa ang magkapatid na Carlos ay ikinukulong sila sa madilim na lugar na 'to bilang parusa. Kapag kinukulong naman ang isa ay nananatili lang ang isa sa labas para hindi matakot ang kung sino mang nasa loob.
******
"Mama," muli kong pagtawag bago ko iminulat ang aking mga mata. Kaagad kong nasilayan ang kalangitan. Ibinaling ko ang aking tingin kay Aldren. Kaagad akong umupo at yumakap sa kanya.
"Nanaginip ka?"
"P-paano mo alam?"
"You keep calling your parents. I mean– Miguel's parents?"
Lumayo ako sa kanya at tumnago. "Napanaginipan ko na naman siila. Walang namatay sa hapong 'yon."
"So, what happened?"
"Ikinulong si Joaquin sa bodegaDoon natapos ang panaginip ko."
"His father is a horrible man."
"Kaya pala..."
"Kaya palang ano?"
"Kaya pala sobra akong natatakot sa mga madidilim na lugar."
"Hindi ko alam na natatakot ka sa mga madidilim na lugar; dinala pa man din kita sa sinehan."
"Natatakot ako kapag mag-isa ko lang," paliwanag ko. "Palaging magkasama ang magkapatid na ikinukulong sa bodega nila. At kapag iisa lang naman ay tatambay ang isa sa tapat ng pintuan."
"They really love each other."
"Tama ka. Napapaisip tuloy ako tungkol kay Makoy."
"What about him?"
"Kung anong nangyari sa kanya pagkatapos... mamatay ni Miguel."
"Malalaman din natin sa tamang panahon," tugon niya. "Now, we have someone who can help us."
Tumango ako at ngumiti. Hindi na ako makapaghintay na malaman kung anong nangyari sa kanila, lalo na kay Marco.
Hindi ko maintindihan pero umaasa akong kahit na maagang nawala si Miguel sa mundo ay naging maayos siyang lumaki.
"Sana kung tayo nga sin Miguel at James sa ating nakaraan, may naging happy ending pa rin para sa kanila. Kahit na... hindi sila tanggap ng karamihan ng mga tao sa paligid nila."
Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga.
"I'm actually hoping for that, too," tugon niya. "Pero sa mga nakikita natin sa mga panaginip natin, parang malabo na ganoon ang nangyari."
Tama siya, at alam ko namang malabo.
"Pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong may happy ending para sa ating dalawa sa buhay natin ngayon."
"Aasahan ko yan," wika ko bago napatingin sa hawak niyang sketchpad.
"Anongginuhit mo?" tanong ko. Ibinaling niya rin ang kanyang mga mata sa sketchpad. Ipinakita niya ang kanyang gawa; sina Miguel at ang kanyang kapatin na si Marco.
"B-bakit mo sila ginuhit?"
"I just felt inspired when you were talking about them."
Napatitig ako sa sketch at ngumiti.
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...