Chapter 14

99 5 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iminulat ko ang aking mga mata.

Umaga na nga... umaga na naman.

Pinilit kong maupo.

Hinawi ko ang kurtinang nagtatakip sa kama at sumilip sa buong kuwarto.

Wala napatingin ako sa kama ni Jake; wala na siya roon tulad ng aking inaasahan.

Alam kong maaga siyang nagigising para mag-jogging sa palibot ng campus.

Mag-isa ko na lang dito sa kuwarto.

Bumaba ako ng aking kama at hinawi ang kurtina. Binuksan ko rin ang mga bintana. Kaagad kong naramdaman ang pagpasok ng sariwang hangin.

Dahil medyo maaga ako nagising ay nagtungo muna ako sa aking study area at kinuha ang aking notebook at ballpen mula sa aking backpack.

Kailangan kong isulat ang napanaginipan ko kagabi habang sariwa pa ang lahat sa aking isipan.

Patapos na ako sa aking isinusulat nang magbukas ang pinto.

"You're awake already," wika ng isang tinig. Kahit na hindi ako lumingon ay alam kong si Jake 'yon.

"Anong oras na ba?" retorikal kong tanong sabay tingin sa digital clock sa mesa ko. Magaalas-siyete na pala. Alas-nuebe pa ang una naming klase.

"Nanaginip ka na naman?" tanong niya nang makita niya ang kuwaderno ko.

"Oo, eh," tugon ko. "Sandali nga lang at tatapusin ko muna 'tong sinusulat ko."

"Sure."

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat samantalang naupo naman siya sa kanyang study area at nagpahinga.

"So, anong napanaginipan mo?" tanong niya nang mapansing natapos na ako sa pagsusulat.

Ibinigay ko naman sa kanya ang kuwadernong sinulatan ko.

"Universidad de San Antonio de Padua?"wika niya habang nagbabasa. "Isn't that the Spanish translation for Saint Anthony University?"

"Oo. At nakasulat sa student handbook natin na ito ang unang pangalan ng University natin. Napalitan na lang ito."

"Pero ano itong Instituto de Artes Visuales?" sunod niyang tanong. "Wow. That was quite a mouthful."

Napaisip naman ako.

"Institute of Visual Arts... Hindi ba sa School of Visual and Liberal Arts 'yon ngayon?"

"Well, that's indeed close. Naaalala mo pa ba ang itsura nitong James at Theresa?"

"Oo nam– Teka, hindi na," saad ko. Pero sigurado akong tanaw ko ang kanilang mga mukha sa aking panaginip. Pero sa tuwing nagigising ako ay hindi ko na maalala ang kabuuan ng kanilang mga mukha. Biglag sumagi sa isipan ko si James. "Si James! Naaalala ko."

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon