Aldren' Point of View
Nasa isa akong parke; tanaw ko ang isang man-made lake sa tapat. Pamilyar ako sa tanawing ito, lumipas man ang maraming panahon at nag-iba na nag ilang pate ng lugar na 'to, sa aking panahon ay malaki pa rin ang pagkakawangis nito.
Alam kong isa na naman itong alaala na pinapakita ni James.
Kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan.
Hinihintay ko si Miguel. Sabado ngayon at napagdesisyunan naming magkita ngayong araw para ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong nakaraang araw. Hawak-hawak ko ang regalong binili ko at balak kong ibigay sa kanya.
Ramdam ko ang pag-ihip ng hangin sa aking mukha. Pumikit ako, at napangiti. Naramdaman kong may mga kamay na tumakip sa aking mga mata.
"Hulaan mo kung sino," wika ng isang tinig. Hindi ko na kailangan pang manghula dahil alam ko kaagad kung sino 'yon.
"Prof. Garcia, ikaw ba 'yan?" patukso kong tanong sabay tawa. Si Prof. Garcia ang pina-istrikto sa mga propesor namin—hindi, nina Miguel at James.
God, I sometimes forget that I'm Aldren, and not James.
"James naman!" protesta niya sabay tawa. "Panira ka talaga kahit kailan."
Inalis niya ang kanyang mga kamay mula sa aking mga mata bago tumabi sa akin.
"Belated Happy birthday, Miguel," pagbati ko.
"Salamat," nakangiti niyang tugon.
"Heto," saad ko sabay kabot sa kanya ng regalo ko. "Sana magustuhan mo."
"Pwede ko na bang buksan?" paalam niya. Tumango ako; dahan-dahan niyang inaalis ang gift wrapper.
"Pwede mo namang punitin ang balot," komento ko.
"Ayoko," pagtanggi niya. "Gusto ko ring itago ang balot."
He's a sentimental person.
Ngumiti ako at tumango. Napamasid ako sa kalangitan habang maingat niyang tinatanggal ang gift wrap ng regalo. Muli kong binaling ang aking mga mata sa kanya nang buksan na nga niya ang kahon. Inilabas niya ang laman; isang polo shirt na uso sa panahong 'yun. Kaagad kong napansin na may nalaglag mula sa damit. Kaagad ko rin naman 'yong pinulot.
"Sandali lang," wika ko sabay kuha sa kanyang kamay. Isinuot ko ang isang purselas sa kanyang pulso. "Narinig mo na ba ang alamat ng pulang pisi?"
"Hindi. Anong alamat 'yon?"
"Sa Budismo," pagsisimula ni James. "Naniniwala sila na ang bawat tao ay nakakonekta. May pulang pisi na kumukunekta sa dalawang taong... itinadhana."
Napatingin ako sa suot niyang purselas; gawa ito sa pulang pisi na may gintong dragon.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ikaw... ikaw ang tinadhana para sa akin?"
"Hindi," deretsahan niyang tugon.
"Bakit naman hindi?!" gulat kong tanong. "Matagal na kitang liniligawan pero hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinasagot."
"Ayokong magmadali," paliwanag niya. Napakamot naman siya ng ulo. "Kung sakali ba, ayos lang ba sa'yo na...itago ang magiging relasyon natin?"
"Wala naman tayong ibang magagawa," malungkot kong sagot. "Pero handa naman ako sa lahat. Sapat na sa akin... ang ikaw at ako."
"Kung ganoon ay pumapayag na ako."
"Na ano?" tanong ko.
"Pumapayag na maging kasintahan mo," tugon niya sabay ngiti. "Alam ko namang hindi magiging madali ang lahat para sa atin pero nagugustuhan na rin naman kita, James."
"Masaya ako na malungkot," pag-amin ko.
"Bakit naman?"
"Masaya ako dahil tayo na pero nalulungkot ako na... kailangan nating magtago. Hindi ko pa masabi sa mga magulang ko ang tungkol sa akin, sa atin... kahit na gusto ko."
Hinawakan niya ang balikat ko.
"Naniniwala ako na balang-araw ay darating din 'yong pagkakataong masasabi mo sa kanila ang lahat," saad niya.
"Hindi ko alam kung darating pa ang pagkakataong 'yon," wika ko. "Kilalang-kilala ko ang mga magulang ko. Walang titibag sa kanilang mga paniniwala. Pero pangako, kapag naka-graduate na tayo, lalayo tayong dalawa. Malayo sa mga taong puwedeng manakit sa atin.
"Umaasa ako," nakangiti niyang saad. "Saan nga pala tayo pupunta ngayong araw?"
"Mamasyal sa beach," ang tugon ko naman.
"Ha? Paano naman tayo pupunta roon?" nagtataka niyang tanong.
Napangiti ako sabay tugon, "Bus."
Pagkasabi ko ng salitang 'yoon ay nag-iba ang kapaligiran.
Magkatabi kami ni Miguel habang naglalakad sa buhanginan. Nasa dagat na nga kami.
"Ang ganda rito," komento niya habang nakangiting nakatitig sa tubig.
"May mas maganda pa diyan," komento ko.
I think I know where that is going.
"Ano?" tanong ni Miguel, as I expected.
"Ikaw," tugon ko—- ni James.
Just like what I have thought. He's cringey.
Tumawa si Miguel bago kami naupo sa buhanginan. Kinuha niya ang kanyang camera at kinuhanan ang dagat. Sunod niyang ipwinesto ang camera sa tapat namin at sinet ng timer. Sabay kaming nag-pose sa harap ng camera at hinintay ang pag-flash nito.
"Masaya akong magkasama tayong dalawa sa araw na 'to," wika niya habang nakatingin sa karagatan.
"Ganoon din naman ang nararamdaman ko ngayon," wika ko.
"James, may gusto akong ibigay sa'yo."
"Ano naman 'yon?"
Pinanood ko siyang hubarin ang suot niyang kuwintas.
"M-Miguel, anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong.
"Gusto kong ibigay sa'yo 'to," paliwanag niya bago sinuot sa akin ang kuwintas. Hinawakan ko ang pendant nito, isang araw. "Ikaw ang nagbibigay ng liwanag sa aking buhya ngayon, James. Ito ang paborito kong kwintas... para sa paborito kong tao."
"Salamat, iingatan ko 'to hanggang pagtanda natin."
Hinila ko siya papalapit sa akin at yinakap nang mahigpit. Kaagad siyang lumayo sa takot na may ibang makakita sa aming dalawa.
"Pasensya na," paghingi ko ng paumanhin.
"Hindi. Naiintinidihan ko," tugon niya. "Sana nga lang... dumating na ang araw na maging bukas na ang lahat para sa atin".
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad sa dalampasigan.
"Miguel," pagtawag ko sa kanya bago kinuha ang kanyang kamay at hinila patakbo. Sumabay siya sa akin bago siya nadapa at nahila ako patungo sa buhangin. Kapwa kami tumawa nang malakas.
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...