Chapter 39

65 6 0
                                    

Stephen's Point of View

"Mama!" pagtawag ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. HIndi ko napigilang mapaluha dahil sa mga nasaksihan ko sa aking panaginip.

Anong nangyari kay Miguel at sa kanyang mga magulang? Nang kumalma ako ay kinuha ko ang kuwaderno upang isulat ang aking mga napanaginipan.

Patagal nang patagal; mas nagiging emosyonal ang aking mga napapanaginipan.

Doon na ba nagtapos ang lahat para kay Miguel? Kung siya nga ang aking nakaraan, anong kailangan kong gawin para huminto ang pagpapakita ng aking nakaraan?

Pilit kong isinantabi ang aking mga katanungan sa aking isipan. Inilaan ko na lang ang oras ko sa pagbabasa at pagsusulat. Sa kalagitnaan ng aking pag-aaral ay nag-message si Aldren.

"Let's eat lunch Then, watch a movie?"

"Sige."

"I'll pick you up then."

"Mag-aayos na ako."

"Take your time. I'll send you a message kung nasa lobby na ako ng dormitory. See you later."

"See you," huli kong sinabi bago tumayo at naghanda

"Anong isusuot ko?" tanong ko sa aking isipan. Ilang minuto akong nakatitig sa mga damit ko.

Umiling ako nang matauhan.

Bakit ko nga ba prinoproblema kung anong isusuot ko? Eh, si Aldren lang naman ang kasama ko.

Si Aldren ang kasama ko.

Kumuha na lang ako ng damit at nagbihis. Nang makapagbihis ay bumalik ako sa study table at pinagpatuloy ang pag-aaral.

Pagkalipas ng halos isang oras ay dumating na nga si Aldren, at nasa lobby na nga siya. Kinuha ko ang bag ko bago lumabas ng kuwarto. Pumanhik ako ng hagdanan at nadatnan si Aldren na nakaupo sa sofa.

"Let's go," yaya nang salabungin niya ako. "What do you want to eat?"

"Hindi ko sigurado," tugon ko.

"I'm craving for pasta," wika niya. "Okay lang sa'yo?"

"Sige," nakangiti kong pagpayag.

"Sure ka ba? You seem like the type who doesn't speak their mind."

"Hindi ako mapili," paliwanag ko.

"Anyway, ako na ang namili ng movie," wika niya pagkasakay namin ng sasakyan. "I hope you don't mind."

"Okay lang sa akin. At least, hindi na tayo magsasayang ng oras sa pagpili ng kung anong papanoorin."

"So, bakit nga pala Communications ang kinuha mong major?" tanong niya.

"Ah, ang totoo niyan, si Mama ang nag-suggest kaya sumunod na lang ako," tugon ko. Pangarap ni Mama na makapagtapos ako kasi siya nabigyan ng opurtunidad na makapag-aral ng koleyo."

"Home come?" sunod niyang tanong. "Oh, if you don't mind me asking."

"Problemang pinansyal," tugon ko. "Wala kasi silang magkakapatid at kinailangan niyang magtrabaho kaagad pagkatapos niyang maka-graduate ng High School."

"You're such a good son."

"Thank you" tugon ko. "Ikaw? Bakit nga pala Business ang kinuha mong kurso?"

"I wanted to help my parents with our business," simple niyang tugon. "I guess that was an unspoken agreement between me and my parents. "

"Pero kung ikaw ang papipiliin, anong gusto mong kunin?"

"To be honest, never kong naisip 'yan," pag-amin ko. "Simula kasi nung pagkabata ko, namulat na ako na business ang palaging pinag-uusapan nina Mom and Dad. How about you?"

"Noong una gusto kong mag-VetMed," tugon ko.

"Naiintindihan ko ang Mom mo sa mga pangarap niya pero hindi ba dapat ikaw ang nagdedesisyon para sa sarili mo?"

"Okay lang, masaya ako sa major ko ngayon," saad ko sabay ngiti. "Siya nga pala, nanaginip na naman ako kanina."

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay Miguel at ang kanyang pamilya," tugon ko. " Nalaman ng tatay ni Miguel ang naging relasyon nila ni James."

"H-how did that happen?"

"Nakita ng tatay niya ang mga love letters ni James na itinago ni Miguel."

"What happened next?"

"Pinipilit siyang ipasok sa Philippine Military Academy."

"Because?"

"Gusto ng tatay ni Miguel na gawin siyang sundalo at... 'yon ang solusyong nakikita ng kanyang ama para mabago si Miguel. Nakakatakot ngayon ang mga napanaginipan ko. Sinaktan siya ng tatay niya, pilit na linublob sa drum ng tubig. Umawat ang kanyang ina.Tapos nakita ko na lang na may hawak na baril ang ang kanyang ina at nakatutok ito sa kanyang ama."

"Wait, what?!" gulat niyang reason. "Don't tell me someone died."

"Hindi ko alam," ang tugon ko. "Nakarinig na lang ako ng pagputok bago ako nagising."

"I guess Miguel's Mom accidentally killed his Dad?" hula niya.

"Siguro," komento ko. "Pwede ring siya mismo; pwede ring wala." Kamusta pala 'yong lakad mo kanina?"

"Pinahanap ko ang mga impormasyon tungkol kina Miguel at James; kung ano ang nangyari sa kanila. Pinahanap ko rin si Makoy at ang ate ni James, baka sakaling maka-usap natin sila."

" Pero maniwala kaya sila sa atin?"

"I also don't know but we need to try," komento niya. "Let's just hope magiging maayos ang lahat."

Ngumiti ako at tumango.

"But as of now, we need a break. I just feel that everything has given its toll on us." 

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon