Stephen's Point of View
"James!" pagtawag ko bago napaupo sa aking kama.
"Stephen, okay ka lang?" tanong ni Jake sabay hawi ng kurtinang nagtatakip sa kama ko. Napatingin ako sa kanya at tumango. "You're dreaming. Who's James?"
"James?" pag-uulit ko. Kaagad kong naalala ang lalaki sa aking panaginip. "Napanaginipan ko siya."
"So, sino nga siya? Your ex?"
"Hindi. Wala akong kilalang James pero nakapagtataka kasi napakalinaw pa rin sa aking alaala ang panaginip ko."
"Come down and let's talk,?" bili niya. "I'll get you some water."
Sumunod nga ako at bumaba. Naupo ako sa hagdanan at hinintay si Jake. Pagkabalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig. Inabot niya sa akin 'yon.
"So?" tanong ni Jake nang makainom ako ng tubig.
"Iba akong tao sa panaginip ko, Jake. Miguel ang pangalan ko," kwento ko. "Nasa Binondo ako."
"Wait. Where's that?"
"Nasa Maynila ang alam ko. Chinatown."
"So, you have been there?"
Umiling naman ako.
"Malinaw na naganap ang panaginip sa taong 1972. Chinese New Year 'yon. Year of the Horse."
"That's really specific," komento niya.
"May kasama akong babae, si Theresa. May lahi siyang Chinese kaya na sa Chinatown ako. Binisita namin ang lolo at lola. Pagkatapos ay may nadaanan akong maliit na tindahan ng mooncakes. May nakilala akong James ang pangalan. Doon na natapos ang panaginip ko."
"Baka naman stressed ka lang. At baka hindi mo rin makalimutan ang mooncakes ni Aldren."
"Manahimik ka," saway ko na ikinatawa niya.
"You really dislike him, don't you?" tanong niya. "To be honest, I really can't find why. He's nice but you're trying your best to avoid him. Nandidiri ka ba sa kanya?"
"Hindi," tugon ko. "Gwapo siya at tama ka, sorang bait niya. Nagawa pa nga niya akong bigyan ng mooncakes matapos ko siyang sungitan."
Napabuntonghiniga ako.
"Sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay biglaan na lang umiinit ang ulo. 'Yong tipo ng pakiramdam na para bang may ginawa siyang masama sa akin."
"Baka naman... dati kayong magkakilala," komento niya kaya napakunot ang aking noo.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Baka magjowa kayong dalawa noong past lives niyo. Then, he cheated on you. You committed suicide."
"Grabe 'yang imagination mo, Jake. Puwede ka nang magsulat ng sarili mong libro."
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...