Chapter 20

95 8 5
                                    

Aldren's Point of View (Days Before)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aldren's Point of View (Days Before)

Pagkatapos ng huling subject ko ay dumeretso ako sa Men's Dormitory. Schedule ko ngayon bilang dorm leader; kailangan kong mag-check ng dorm rooms at attendance ng mga dormmates ko. May curfew kaming kailangang sundin. Nagtungo ako sa front desk para magpahinga saglit; binuksan ko ang desktop computer at habang hinihintay na tuluyang magamit itpo ay nakuha ang aking atensyon ng isang pamilyar na taong pumasok sa dorm. Si Stephen.

"Ang cute niya talaga," wika ko sa aking isipan habang pinagmamasdan siya. "Stephen!" pagtawag ko nang nasa malapit na siya. Kaagad siyang tumingin at lumapit sa akin. "Katatapos lang ng klase mo?" ang tanong ko naman sabay tingin sa orasan. Mag-aalas siyete na ng gabi. Mayroon siguro siyang evening class sa kanyang schedule. Nag-usap kami saglit bago dumating si Jake. Sabay silang umakyat bago ko pinagpatuloy ang aking ginagawa. Nang malapit na ang curfew houray nagsimula na akong mag-ikot at mag-check ng attendance. Mabuti na lang ay binigay na ni Stephen ang SocMed account niya nang bumisita ako. Nang makasiguradong naka-lock na ang gate ng Men's Dormitory ay nagtungo ako sa kuwarto namin ni Kazu.

Nadatnan ko naman siya at ang iba sa kani-kanilang tipikal na pinagtatambayan. Nagbabasa si Kazu ng kung ano mang manual. I headed to my usual place. Kaagad kong ipinatong ang aking laptop sa study table; naalala ko si Stephen, at napangiti. Sinimulan ko ang pagbabasa ng mga article para sa ilang subjects ko kinabukasan.

Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay napatingin ako sa digital clock sa mesa. Maga-alasdose na pala. Tumingin ako sa paligid. Mukhang natulog na ang dormmates ko. Inilapag ko ang manual na hawak ko at naghanda sa aking pagtulog. Pagkalabas ko ng banyo ay nahiga na ako sa aking kama. Kaagad kong pinikit ang aking mga mata at unti-unti akong linamon ng antok at pagod.

*****

"Didi, ano bang pinagsasabi mo?" tanong ng pamilyar na boses. Naging malinaw ang paligid.

Nakaupo ako sa isang sofa. I'm inside someone's house and the living room is really nice.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan?" Lumingon ako at nakita si Ate Jane sa aking tabi. Siya rin ang katabi ko sa una kong panaginip, 'yong nagpunta kami sa Binondo."

"Oo, Jiejie," tugon ko... hindi, tugon ni James sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Pero alam mo namang tatanggi at magagalit si Baba."

"Alam ko pero buo na ang desisyon ko."

"James, ako na ang nagsasabi sa'yo, hindi magandang ideya 'yan."

Umiling ako.

"Hindi talaga para sa akin ang pagdo-doctor."

"Ni shuo shenme (Anong sinabi mo)?!" galit na tanong ni Baba nang marinig niya ang usapan namin. Napatingin kami ni Ate Jane.

"Baba!" pagtawag ni Ate. "Mali ang narinig mo."

"Bao anjing (Manahimik ka)!"

"B-baba, ayokong mag-doktor," pagtatapat ko. Kaagad niya akong tinapunan ng masamang tingin. "Masyadong mahaba ang proseso at hindi 'yon ang gusto ko."

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon