Chapter 26

67 4 1
                                    

Stephen's Point of View

Ramdam ko kung saan nanggagaling ang mga binilin ni Miguel kay Marco. Ilang dekada ang pagitan ng mga panahon namin ngunit lahit hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring taong makaluma ang pag-iisip.

Pero kahit na ganoon, parami nang parami na ang mga taong nagpapakita ng suporta at pagtanggap sa mga taong katulad ko– namin ni Miguel.

Tama siya, hindi kasalanan ang magmahal. Nakakalungkot lang isipin na... ipinanganak lang si Miguel sa maling panahon.

Pareho kaming umaasang sa hinaharap ay magkaroon ng lugar para sa amin.

"Kuya Migs," muling pagtawag ni Makoy. "Kapag tumanda na ako at naintindihan ko na ang lahat, tutuparin ko ang mga hiling mo."

"Aasahan ko 'yan," tugon ko. "Pero may isang bagay pa ako gustong hilingin sa'yo."

"Ano ba 'yon, Kuya?"

"Huwag na huwag kang magtatanong ng ganitong bagay kina Mama at Papa," bilin ko. "Lalo na kay Papa."

"Bakit, Kuya?"

"Kasi... isa si Papa sa mga taong nagsasabing masama ang mga taong katulad ng kaklase mo," paliwanag ko.

"Uhm, opo," malungkot niyang pagpayag bago napakamot ng ulo. Kapwa kaming napatingin nang dumating sina Mama at Papa. Ayaw na ayaw ni Papa na nakikita kaming ganito ni Makoy kaya kaagad kaming tumahimik at umayos ng upo.

Inilagay ni Mama ang mga kandila sa birthday cake na kinuha nila.

"Humiling ka na, anak," nakangiting bilin ni Mama. Nagsimula silang kumanta habang pumapalakpak..

Pumikit ako upang humiling.

"Ang tanging hiling ko ay... matanggap nina Mama at Papa kung sino ako," hiling ni Miguel. "Kung hindi man, sana ay hindi nila malaman."

Unti-unting dumilim ang paligid kasunod ng pagkawala ng mga huni ng mga ibon.

*****

Naging malinaw ulit ang paligid.

Wala na ako sa damuhan. Isang radyo ngayon ang tumutugtog. Napakapamilyar ng lugar na 'to.

Isang kusina. Tama.

Kusina sa bahay ng mga Carlos.

Sa aking harapan ay kasalukuyang naghahanda si Mama– ang nanay ni Miguel ng putaheng hindi ako pamilyar..

Ramdam ko ang bigat ng ere sa pagkakataong 'yon.

"Mama," pagtawag ko sa kanya. Rinig ko ang takot sa boses ni Miguel.

"Ano 'yon, Miguel?" tanong niya sabay tingin sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng bigat sa aking puso. "May problema ba? Mukhang balisa ka."

Inilapag naman niya ang kutsilyo nang matapos niyang balatan ang hawak niyang patatas, at hinintay akong magsalita.

"Mama, tatanggapin mo pa rin ba ako kung hindi ako 'yong anak na ginusto mo?" naglakas-loob akong itanong sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin, Miguel," tugon niya. "Hiniling kita sa Diyos.Nagsayaw pa kami ng Papa mo sa Obando para lang dumating ka. Bakit? Pakiramdam mo bang hindi ka namin mahal?"

"H-hindi naman sa ganun, Ma," tugon ko bago kami balutan ng katahimikan.

"Magagalit ka ba kung sasabihin ko sa'yo na... nagkakagusto ako sa kapwa ko... lalaki?" sa wakas ay pag-amin ko. Hindi ko na napigilang mapaluha.

"Magagalit? Hindi ko alam kung anong dahilan para magalit ako?" tanong niya pabalik. "Kung alam ko naman ang tungkol diyan."

Napakunot ako ng noo sa aking narinig.

"A-alam mo? P-paano?"

"Anong paano? Ako ang nanay mo. Nanggaling ka sa akin; kilalang-kilala kita ;mula ulo hanggang paa. Hindi mo man sabihin sa akin ang ilang bagay ay nararamdaman ko pa rin ang mga gusto mong sabihin. Matagal ko nang alam kaya tanggap ko.

"Salamat, Mama," pasasalamat ko bago lumapit at yumakap sa kanya.Ramdam ko ang paghaplos niya sa king buhok. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumayo ako sa kanya at nagpunas ng mga luha. "Pero natatakot akong malaman ni Papa."

"Miguel, makinig ka sa akin," seryoso niyang bilin. "Kahit na anong mangyari, hindi dapat malaman ng Papa mo ang tungkol dito. Naiintindihan mo ba? Itago mo 'yan hanggang sa kaya mo nang lumipad mag-isa."

Tumango ako. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Mama.

"May nagugustuhan ka na ba?" sunod niyang tanong.

Ngumiti ako at tumango.

Muling nagdilim ang kapaligiran.

*****

Inimulat ko ang aking mga mata. Sa pagkakataong ito ay nasa dorm room na nga ako.

May nagugustuhan si Miguel. Kaagad akong ngumiti sabay tumango.

Sigurado akong si James ang tinutukoy niya. Bumaba ako ng kama at dumeretso sa aking study area. Dinampot ko ang aking notebook at sinimulang isulat ang lahat ng nasaksihan ko sa aking panaginip.

Binilugan ko ang pangalan ni Marco o Makoy. Malakas ang kutob kong buhay pa siya tulad ni Lola Theresa.

Kailangan ko siyang hanapin.

Pero paano?

Kailangan ko ba talaga?

"Kailangan!" pagsigaw ng isang tinig sa aking isipan.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Guni-guni ko lang nay un? Dala lang ba ng bagong gising lang ako?

O sarili ko lang 'yung opinyon na malakas kong naisip kaya naman narinig ko ito?

Yun lang siguro 'yun. Wala nang iba pa.

"Ang aga mong nagising," komento ng isang tinig kaya kaagad akong napalingon.

"Jake!" protesta ko nang makita siya. "Ikaw lang pala."

"Did I scare you?" tanong niya.

"Nanaginip na naman ako, Jake. Ngayon ay mas malinaw na ang mga detalye tungkol sa pamilya niya," balita ko. "At may sagot na ako sa ilang katanungan natin. Carlos ang ibig sabihin ng C sa initials na M.C. Miguel Carlos ang buo niyang pangalan. Macario Carlos ang pangalan ng kanyang tatay, at isa siyang pulis. Eloisa Carlos naman ang pangalan ng kanyang nanay na isang Psychiatrist. May kapatid siyang mas bata sa kanya at Marco ang kanyang pangalan... Makoy."

"That's scary," ang komento naman niya. "Hindi ko nga halos maalala ang mga napapanaginipan ko. Tapos ikaw, para kang nanood ng video."

"Sa tingin ko, simula na ito ng pagdiskubre natin sa iba pang mga kasagutan," tugon ko habang nakatitig pa rin sa aking kuwaderno. "Kung ano man ang koneksyon ko kay Miguel at kay James; malakas ang pakiramdam kong malapit ko na 'yong malaman."

"I hope you do."

"Si Makoy kaya? May posibilidad bang mahanap natin siya?"

"It's not impossible," tugon niya. "But the thing is... how? Pangalan lang niya ang mayroon tayo. 'Yon lang ang ang clue na mayroon tayo, " ang sunod naman niyang paliwanag.

Tama siya.

Mga pangalan lang ang mayroon sa amin. At hindi rko rin alam kung magagamit namin 'yon para hanapin sila sa Social Media. Kaya lang naman naming nahanap si Aurora dahil sa yearbook at sa tindahan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin ako kay Jake nang may maalala.

"I think it's better for you to eat first, mas makakapag-isip ka ng deretso kung may laman 'yang sikmura mo. And I'm hungry."

Nagtungo ako sa banyo para maghanda para sa araw na 'to.

Hanggang kailan ko ba ito mararanasan?

Ito ang palaging tanong sa aking isipan pero pakiramdam ko ay nalalapit na nga ang araw na masasagot ito.

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon