Stephen's Point of View
"Tama," tugon niya. "At nakikita ko."
"Ang alin po?"
"Ang pulang pising nakatali sa'yo," paliwanag niya.
"Paano niyo po nakikita?" tanong ko bago napatingin sa paligid na 'tila ba parang magic ko na lang makikita ang pulang pising tinutukoy niya.
"To be honest, hindi ko kayang ipaliwanag kung paano ako nakakakita ng mga bagay-bagay," pag-amin ni Prof.. "Noong bata pa lang ako ay nakakakita na ako ng kung anu-ano. Mga kaluluwa; mga aura. Tapos nang tumanda ako, ay nagsimula na akong makakita ng pulang pisi. Kapag nasa parehong buhay ang mga nakatadhanang tao.
"Ano ibig niyo pong sabihin ay... nasa parehong buhay po kami ng taong itinadhana sa akin?"
"Sa relihiyon tulad ng Hinduismo at Budismo, naniniwala kami sa Sistema ng Reincarnation," paliwanag niya. "LIfe and death is a never-ending cycle. Each one of us has a different pace in the process of reincarnation. Kaya madalang na nagkikita ang mga itinadhana sa parehong lifetime. "
"Malapit siya sa akin?" tanong ko.
"Hindi ko sigurado," sagot ni Prof. "Kung nasaan siya at kung kailan kayo magkikita; walang makapagsasabi. Hindi kasi ibig sabihin na kapwa kayo nabubuhay sa buhay na ito ay kayo na ang magkakatuluyan.
Napatango ako sa aking nalaman. Napakakomplikado naman pala.
"Uh, maraming salamat po, Prof," pasasalamat ko bago nagpaalam. Habang naglalakad patungo sa dormitory ay nasa aking isipan ang mga sinabi sa akin ni Prof.
Naniniwala ba ako?
Sa dami ba na ng mga kakaibang kaganapan simula nang napunta ako rito sa Saint Anthony, hindi na magiging mahirap ang pangungumbinsi sa akin.
Pinagtagpo pero hindi itinadhana? Nakakalungkot isipin na may ganoon.
Hindi kaya itinadhana si Miguel at James sa isa't-isa?
Nagkatuluyan kaya sila?
Patungo na sana ako ng dormitory pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong papasok sa School of Visual and Performing Arts. Nagpunta ako sa lecture room kung saan naging magkaklase sina Miguel at James.
Dumeretso ako sa upuan ni Miguel at naupo. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang paglubog ng araw.
"Stephen?" pagtawag ng isang tinig kaya napalingon ako.
"Aldren?" pagbanggit ko sa pangalan niya. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko. "Anong ginagawa mo rito?
"That's what I want to ask you, too,," tugon niya.
"M-maganda ang view ng sunset dito," pagsisinungaling ko. "Ikaw?Bakit ka narito?"
"Naglalakad-lakad lang," tugon niya.
"O-okay."
"Alam mo may napapansin ako."
"Ano naman 'yon?"
"Palagi na lang tayong nagkikita sa mga random na lugar."
"Oo nga, ano?"
"Siguro tinadhana tayong dalawa."
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" gulat kong tanong.
"Ang sinasabi ko... gusto kita."
"Gusto mo ako?"
"Oo. Simula noong unang beses na nagkita tayo."
"B-bakit mo sinasabi sa akin ito?"
"Hindi ko rin alam. Pero parang gusto ko na lang aminin sa'yo."
Nabitawan ko ang hawak kong libro nang marinig 'yon.
"Sorry kung nagulat kita pero I'm not rushing you. If you want, let's take it slow. Let's take time getting to know each other."
"S-sige," pagpayag ko bago napatingin sa librong nasa sahig. Lumabas ang mga sketch ni Jake. Dinampot ko ang mga 'yon.
Pinulot naman ni Aldren ang isa sa mga papel.
"Here," Natigilan siya at napatitig sa mukha ni James.
"Kilala mo ba ang lalaki sa larawan?" nagtataka kong tanong. Kakaiba kasi ang naging reaksyon niya pero imposibleng kilala niya si James.
"Hindi. Pero itong kuwintas," saad niya. "Nakita ko na 'to."
"Baka kapareho lang?"
"Siguro nga,"pagsang-ayon niya. Inalapag niya ang kanyang bag sa mesa atinilabas ang isang notebook. Binuklat niya 'yon at Ipinakita ang isang pahina. Ang mukhang ginuguhit niya kanina sa canteen. Itinuro niya ang kwintas sa sketch. Itinabi niya sketch ng mukha ni James. "It's a perfect match."
"O-oo nga," pagsang-ayon ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa aking nakita.
"Can I tell you a secret?" pagpapatuloy ni Aldren. "This might sound a little bit crazy."
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Napabuntong-hininga naman siya bago tumingin sa mukhang nakaguhit sa kuwaderno niya..
"I'm having a lot of dreams these days," wika niya. "To be honest, hindi ko alam kung paano ipapaliwan. Sa tuwing nananaginip ako recently, I play a role of another person."
"Ako rin," komento ko sa aking isipan.
"And these dreams. They revolve around certain people. They always show up."
"Parang ako ulit," muli kong tugon sa aking isipan.
"Hindi ko alam kung maniniwala ka pero... 'yong ibang tao sa ga panaginip ko. Bujay pa sila. And I have never met them once before."
Bigla kong naalala si Theresa na buhay pa at nasa Chinatown.
Pareho kami ng pinagdadaanan? Pareho kami ng nararamdaman dito sa Saint Anthony?
"To be honest, palagi kong napanaginipan ang lecture room na ito kaya ako napunta rito. Sa panaginip ko ay dati akong estudyante ng School of Media and Communications. At doon..."
Itinuro niya ang upuan ni James. "Doon ako palaging nakaupo, At sa upuang ito palaging nakaupo ang taong mahal niya"
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.
Huwag mong sabihing...
"Aldren," pagsingit ko. "Sa panaginip mo ba.... James ang pangalan mo?"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at napatingin sa akin.
"Y-yes but how did you know?"
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...