Chapter 35

70 5 0
                                    

Stephen's Point of View

"Can you two just talk about your date later?" wika ni Jake. "I think we should go. Nagmumukha akong third wheeler."

"Hindi 'yon date," argyumento ko.

"What do you call that, then?" tanong niya. "Aldren?"

"A friendly date," nakangiting tugon ni Aldren naikinatawa ni Jake.

"Ewan ko sa inyong dalawa," pabulong kong saad. Lumabas naman kaming tatlo ng kainan at bumalik ng dorm.

"I think you too still need to talk to each other. I'll go ahead," paalam ni Jake bgo kami iwan ni Aldren sa lobby.

"Do you want some drinks?" tanong ni Aldren sabay tingin sa malapit na vending machine.

"Sige," pagpayag ko bago kami lumapit sa vending machine at kumuha ng maiinom. "Enjoy your drink. It's on me."

"Ang galing mo talagang magsalita ng English, no?" komento ko. "Samantalang ako, medyo hirap sa English subjects ko."

"You tell me! Nahihirapan din ako sa minor subjects ko na Filipino," saad niya kaya natawa ako.

"What kind of movie do you want to watch?" tanong niya. "I mean just in case we can go."

"Kahit ano," tugon ko. Habang nag-uusap ay nagsimulang tumunog ang kanyang phone. "Sorry," paghingi niya ng paumanhin. "It's my cousin calling."

"Sure," tugon ko.

"Hello, Kuya," pagbati niya nang sagutin niya ang kanyang phone. "Tomorrow?... I see. Can we meet in the morning, then? See you, then."

Pinanood ko siyang binalik ang kanyang phone sa kanyang bulsa.

"I need to meet someone who could help us learn about James and Miguel. I'll join you in the afternoon."

"Sige lang," pagpayag ko.

"I'll send you a message. Susunduin kita bukas ng hapon."

"Sige. Sa tingin ko kailangan ko nang bumalik sa dorm room. Malapit na rin ang curfew. Hindi ba may dorm duties ka rin?"

Tumango siya bilang tugon. Nagtungo ako sa hagdanan samantalang dumeretso naman siya sa front desk

"I'll see you tomorrow," huling saad ni Aldren bago kami naghiwalay. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa dorm room namin nina Jake.

Naabutan kong nanonood si Jake sa kanyang laptop.

"Mukhang napag-usapan niyo ng dalawa kung anong gagawin niyo sa weekend. Saan niyo balak pumunta?"

"Mag-aaral ako sa umaga," sagot ko. "May kailangan siyang puntahan sa umaga kaya nakapagsunduan naming magkita sa hapon. Gusto niyang pumunta sa sinehan... uhm, hanggang doon lang ang napag-usapan naming plano."

"Stephen, naranasan mo na bang makipag-date?"

"H-hindi pa," pag-amin ko. "Bakit mo naman biglaang naitanong?"

Umiling lang siya bago sumagot, "Just curious. Anong panonoorin niyo?"

"Hindi ko rin alam. Kako siya na ang bahalang mamili. Osiya, mg-aaral na muna ako."

"It's the weekend tomorrow. Relax, will you?"

"Manood ka na lang diyan," bilin ko bago dumeretso sa aking study table.

Magsisimula na sana akong magbasa ng textbook pero biglaang hinila ni Jake ang upuan ko. "Hoy! Anong ginagawa mo?!"

"Stop being a manong," wika niyabago itinabi ang upuan ko sa kanya. "Let's watch this movie together."

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon