Chapter 31

51 4 0
                                    

Stephen's Point of View

Ipinakita ko ang iginuhit ko kay Jake. Kasunod nito ang pag-abot ko ng sketch niya kay James. Pinanood ko siyang iguhit ang kuwintas sa sketch ni James.

"How's this?" tanong niya nang matapos.

"Saktong-sakto, Jake!" komento ko. "Ang galing mo talaga!"

"No big deal!" pagbubuhat niya sa kanyang sariling bangko. Tahimik kong pinagmasdan ang mukha ni James samantalang tinuon ni Jake ang kanyang buong atensyon sa kinakain niya. Pumasok sa aking isipan si Miguel. Ano kayang itsura niya?

MABILIS na lumipas ang oras. Katatapos ng huli naming klase ni Jake at kasalukuya naming tinatahak ang daan patungo sa opisina ng adviser ng club namin.

"Katatapos lang ng klase niyo?" tanong ni Ate Somi nang makasabay namin siya.

"Oo, ate," tugon ko.

"Tara na," yaya ni Ate Sophia nang makarating kami. Kumatok siya sa bukas na pintuan bago sumilip sa loob. "Hi, Prof!"

"Come in," pagtawag ni Prof nang makita siya. Magkakasunod kaming pumasok sa loob. Malawak nga ang opisina niya; may makeshift meeting area sa bandang dulo at naroon na rin ang ibang officers.

"Miss President, you may start the meeting," bilin ni Prof. "I'll stay at my table and listen."

"Yes, Prof," tugon ni Ate Sophia. "Okay, guys. We are all here today to make a plan regarding our first activity as an official organization. Any suggestions?"

"I suggest activities for the Club members, one with students with the other departments and then probably a seminar-workshop," suhestyon naman ng isa sa mga officers. Habang nag-uusap kami ay napatingin ako sa paligid. Medyo kakaiba ang mga dekorasyong naka-display sa ilang estante. May estatwa ng taong may maraming kamay. Mayroon ding maliit na estatwa ng isang taong may hawak-hawak na ahas sa office table niya. Sa mesang gamit namin ay may ilang bronze lotus.

Halos tumagal din ng isang oras ang naging pag-uusap namin tungkol sa mga plano naming activities. Mas nahirapan kami sa pagde-desisyon kung alin ang uunahin.

"You're dating someone," komento ni Prof habang nagkuwekuwentuhan sila ni Ate Sophia. Naagaw kaagad ang atensyon ko sa sinabi niyang 'yon. "Right?"

"Paano niyo po nalaman?" nagtatakang tanong ni Ate Sophia.

"Nakakakita kasi ang kulay ng aura mo," paliwanag niya.

Ano raw? Nagkatinginan kami ni Jake.

"Lahat tayo ay may aurang inilalabas. Bawat isa nito ay may kulay, at bawat kulay ay may ibig sabihin. Tulad ng kay Sophia ngayon, kulay pink. Ibig sabihin ay inlove siya. Ang totoo niyan ay natutuwa sa tuwing nakakakita ng mga grupo tulad niyo. Para kasing rainbow ang paligid. Anyway, I'll see you next time."

"Thank you, Prof!" pasasalamat namin bago nagsitayuan at lumabas ng opisina. Habang naglalakad ay naalala kong nakalimutan ko ang textbook ko sa mesa sa opisina ng club adviser namin.

"Jake, naiwan ko ang libro ko," wika ko sabay hinto sa paglalakad.. "Mauna ka na lang sa dorm. Babalikan ko lang 'yong textbook ko."

"Hintayin na kita."

"Huwag na. Malapit na rin naman tayo sa dorm." pagtanggi ko.

"Fine, then."

Tumalikod ako upang muling bumalik sa opisina ni Prof. Kaagad akong kumatok sa pinto nang makarating.

"Come in," bilin ni Prof bago ako pumasok.

"Pasensya na po," paghingi ko n ng paumanhin. "Naiwan ko po kasi ang textbook ko."

"It's fine," wika niya.

"Thank you po," pasasalamat ko bago nagtungo sa malaking mesa. Naroon nga ang libro ko. Tahimik ko 'yong dinampot at isinilid sa aking bag.

"Mister Garcia, " pagtawag ni Prof.

"Yes, Prof?"

"Are you alright?" tanong niya sa akin.

"O-okay lang po ako," tugon ko. "Bakit niyo po naitanong?"

"It's your aura," paliwanag niya. "Nakikita kong may mabigat kang pinagdaraanan ngayon."

Oo nga pala. Nakakakita nga raw siya ng mga kulay ng aura ng mga tao at bawat kulay ay may ibig sabihin.

"Stressed lang po sa mga subjects ko," pagsiisnungaling ko.

"Come here. Let's chat for a bit." Naupo naman ako sa upuan sa tapat niya. "Alam mo bang, masuwerte ka?"

"Masuwerte po saan?" nagtataka kong tanong.

"May pag-asang makikilala at makatatagpo mo ang taong itinadhana sa'yo sa buhay na ito," paliwanag niya.

"Ang totoo po niyan ay hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo."

"Pamilyar ka ba sa alamat ng pulang pisi?"

"Alamat ng Pulang Pisi?" pag-uulit ko. Narinig ko na nga ito mula kay James sa isa aking mga panaginip. "Ang alam ko po, ang bawat tao ay may pulang pising hindi nakikita na nakatali sa kanilang bukung-bukong. Nakakonekta ito sa isa taomg itinadhana para sa kanila."

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon