Chapter 10

108 7 0
                                    

Stephen's Point of View

Nagmadali na nga kami ni Jake; medyo istrikto kasi ang Prof namin sa subject na 'yon. Napatingin ako sa aking relos.Ilang minuto na lang at magsisimula na ang lecture.

"You're just on time," komento ni Prof nang magkasunod kaming pumasok sa lecture room at bumati. "Take your seats so we can start."

"Yes, Prof," tugon namin ni Jake bago nagtungo sa bakanteng upuan sa likuran. Habang nasa klase ay hindi ko naiwasang maalala ang lalaking palaging laman ng panaginip ko. Kaagad ko rin namang naalala ang suhestyon ni Jake. Napasulyap ako sa kanya.

Mabuti naman at nakikinig siya sa lecture ngayon. Binuksan ko ang isang bagong notebook at sinimulan kong ilagay lahat ng detalyeng naaalala ko tungkol sa mga wirdong nagaganap sa akin dito sa Saint Anthony.

Sino si James at bakit niya ako tinatawag na Miguel?

Anong relasyon niya sa taong nagngangalang Miguel?

Bakit ko 'to nararanasan?

Nang matapos ako sa pagsusulat ay napatingin ako kay Jake. Hindi na siya nakikinig sa Prof namin; nakagugol ang kanyang tingin sa kanyang sariling kuwaderno.

"Jake," pagtawag ko kaya huminto siya sa kung ano man ang kanyang ginagawa at tumitingin sa akin. "Anong ginagawa mo"

"Just doodling. I got bored."

"Patingin."

Inabot naman niya sa akin ang ginuhit niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mukha ko ang naroon.

"Hindi ko alam na ganito ka kagaling, Jake."

"Well, this is my hobby so I practiced a lot," tugon niya. "You know what? I'll just draw. I'm quite sure we'll just memorize stuff during our examinations."

Napatingin ako sa prof na kasalukuyang may sinusulat sa whiteboard. Napabuntonghininga naman ako. Tama nga siya.

Kaagad naman akong napatingin sa kanya nang may maisip na ideya. "Jake."

"Hmm?"

"Puwede bang iguhit mo ang mukha ni James?"

"Ang lalaki sa panaginip mo?"

"Oo."

"Naaalala mo ang mukha niya?" gulat niyang tanong.

"Hindi ako sigurado," pagtatapat ko. "Pero baka mas maalala ko kung iguguhit mo."

"Alright."

"Naalala ko pala, may gagawin ka ba mamaya?" tanong ko. "Balak kong pumunta sa Binondo."

"Binondo? What's that place?"

"Chinatown," tugon ko.

"Anong gagawin mo sa Chinatown?"

"Doon ko unang napanaginipan si James, si Miguel at si Theresa," paliwanag ko. "Kung minumulto nga ako. Baka wala akong ibang pagpipilian kundi ang tulungan sila."

"Sure. But what's in it for me?"

"Ha? Ililibre na lang kita ng makakain."

"I'm just kidding! I'll go with you. Wala rin naman akong ibang choice; ikaw ang bestfriend ko sa Campus."

Napangiti naman ako at tumango.

"Pero hindi ko kalilimutan ang libre mo."

Kaagad din naman akong napasimangot dahil sa sinabi niya.

"Grabe ka talaga basta pagkain ang usapan."

"Food is life!"

Baka nga may makatulong sa akin sa pagpunta ko sa Binondo. Nagsimula na akong makinig sa nakakabagot na lecture samantalang ipinagpatuloy ni Jake ang naudlot niyang pagguhit ng mukha ko.

"For your homework, study the 3rd Chapter of the book," anunsyo ng aming propesor nang patapos na ang aming klase. "Graded recitation next meeting."

Nangiwi ako sa aking narinig. Talagang tama nga si Jake sa hula niyang magiging takbo ng aming exam. Mahina pa man din ako sa pagme-memorize. Inayos ko ang aking mga gamit at linagay sa aking bag.

"We have 30 minutes before the next class," wika ni Jake nang makalabas kami ng lecture room. "Tara muna sa cafeteria. I'm hungry."

"Hoy, katatapos lang ng first subject, gutom ka na ulit?" tanong ko. "Ano bang klaseng bituka ang mayroon ka?"

"Napaka-judgemental mo. I just need sugar and... coffee. Isa pa, nakakapagod kayang mag-drawing. You owe me a cup of coffee."

"Ha? Bakit naman bigla akong nagkautang sa'yo?"

"I was drawing you, remember? Tapos may ipapa-drawing ka pa sa akin."

"Osiya, tara na bago pa magbago ang isipan ko," pagsuko ko.

"Yey!"

"Para ka talagang bata, Jake."

Kapwa naman namin tinahak ang daan patungo sa cafeteria. Kaagad ko namang napansin si Ate Sophia sa grupo ng mga estudyanteng makakasalubong namin.

"Ate Sophia, good morning," pagbati ko.

"Oh, hi! Wala kayong klase?"

"Katatapos lang ng first subject namin, Ate," tugon ni Jake. "It's tiring."

"Hindi ka naan nag-aral o nakinig. Nag-drawing ka lang naman," komento ko.

""Kaya nga ako napagod. Sino bang nagsabi na napagod ako dahil sa boring na lecture?"

Natawa naman si Ate Sophia sa naging usapan namin. "Anyway, saan punta niyo?"

"Sa cafeteria, ate," tugon ko.

"Oh, go ahead. Let's meet later sa club room," bilin niya. "Hindi naman seryoso ang pag-uusapan natin. Just a bit of planning."

"Sige po," tugon namin ni Jake.

"I'll go ahead na," paalam niya. "I have class din."

Nang umalis si Ate Sophia ay dumeretso kami sa cafeteria.

"Jake, ibili mo na lang ako ng maiinom," bilin ko. "At 'yog kape mo."

"Alright."

Huhugot sana ako ng pera pero kaagad niya akong pinigilan. "Geez, I'm just kidding. In fact, I'll treat you."

"Uhm, sige. Maghahanap na muna ako ng mauupuan natin," wika ko bago kami naghiwalay. Nang makahanap ng bakanteng mesa ay hinintay ko si Jake. Inilabas ko naman ang aking libro at nagsimulang mag-aral para sa graded recitation namin.

"Stephen," pagbanggit ng isang tinig sa aking pangalan. Natigilan ako at napatingin.

Si Aldren.

"Studying?" tanong niya.

"Ah, oo," tugon ko. "May graded recitation kami sa susunod."

"I see. Plus points sa mahilig mag-aral at alam ang priorities."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. "Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.

"N-nothing."

"Aldren!' pagtawag ni Jake nang dumating siya. Inilapag niya 'ang mga pinamili niya bago muling kinausap si Aldren. "Break time mo rin?"

"Not really. Papunta na ako sa next class ko," tugon ni Aldren." I just want to drop by and say hi. I'll see you around, then."

Tumango ako at pinilit na ngumiti. Pinanood naman naming siyang umalis.

"That's new," komento ni Jake bago tumabi sa akin.

"Ang alin?"

"Hindi ka nagsungit."

"Wala naman akong choice. Maayos naman pakikitungo niya pero may inis pa rin akong nararamdaman."

"Mabuti naman," tugon naman bago pinagpatuloy ang pagguhit at pagkain. Napa-iling naman ako; saan kaya napupunta lahat ng kinakain niya? Ipinagpatuloy ko na lang din ang aking pag-aaral. 

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon