Chapter 44

66 6 0
                                    

Stephen's Point of View

"Mabuti na lang naniwala siya sa atin," wika ni Aldren nang makasakay kami sa kanyang sasakyan.

"Oo nga," pagsang-ayon ko. "Pero nakakatuwa, Aldren."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Ang alin?" nagtataka naman niyang tanong.

"Dahil tinupad ni Marco ang kanyang pangako kay Miguel," paliwanag ko.

"Ano ba 'yong pangako nina Miguel at Marco sa isa't-isa?

"Na unuwain at protektahan ang mga taong katulad nina Miguel at James," sagot ko. "Ang Bahaghari Foundation ang patunay na tinupad ni Marco ang kanyang pangako."

"That's something nice to hear. Anyway, kailan mo gustong bumisita sa opisina ng Bahaghari Foundation?"

"Bukas siguro," tugon ko naman. 'Kung may oras ka."

"Sa tingin ko, mayroon naman," sagot niya. "I'll find time."

"Naging mabait sa atin ang pagkakataon; Pinagtagpo tayo sa kapatid ni Miguel... isa lang ang ibig sabihin nito. Masasagot na ang mga katanungan natin."

"To be honest, hindi na ako makapaghintay na malaman ang mga nangyari sa nakaraan. Gusto mo bang kumain bago tayo dumeretso sa Men's Dorm?"

"Sige pero doon na tayo sa kainan malapit sa Saint Anthony," pagpayag ko.

*******

"Magbibihis muna ako, and then, I'll go to your room to study with you," paalam niya nang makarating kami sa Men's Dorm. Naghiwalay kami nang makarating siya sa third floor. Ang dorm room naman namin nina Jake ay nasa fifth floor pa. Hinalungkat ko ang aking bag para hanapin ang susi ng silid. Inilapag ko ang aking mga pinamili sa mesa at kaagad na naupo.

"Nakakapagod," bulong ko sa aking sarili bago muling tumayo upang buksan ang air-con. Nagsimula akong magpalit ng damit bago bumalik sa upuan at inayos ang mga pinamili ko mula sa store. Napatitig ako sa flyers na nakuha namin mula sa Bahaghari Foundation. Muling nagbalik sa akin ang mga kaganapan ngayong araw.

Na-enjoy ko ang oras kong kasama si Aldren. Mas naging masaya dahil nakilala at nakita ko si Makoy. Napabuntonghininga ako nang maalala ang mga dapat kong gawin.Binuksan ko ang laptop ko para i-review ang progress ko sa ginagawa kong research paper.

Pagkatapos ng halos kalahating oras ay may kumatok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan si Aldren ng pinto.

"Pasok ka," bilin ko. Isinara ko ang pinto nang makapasok siya. "Bakit ang dami mong dala?"

"Oh, I brought my laptop," tugon niya. "Some of my textbooks, and a lot of snacks."

"Puwede mong gamitin ang space ni Jake," bilin ko sabay turo sa study area ni Jake. Pero sigurado ka bang gusto mong mag-aral dito? Baka ma-distract kita. Ayokong ikaw ang maghabol dahil sa akin."

"Hindi pa ba ako naghahabol sa'yo?" tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"You're like a puppy. Ang cute mo."

"Hindi ko alam kung mararamdaman sa sinabi mo," wika ko kaya mas lalo naman siyang natawa.

"Ang cute mo lang kasing asarin."

"Mag-aral na lang tayo," komento ko Inilapag niya ang kanyang gamit sa study table ni Jake.

"Sure," tugon niya bago siya iniwan. Nagtungo ako sa aking study area at kinuha ang librong hineram ko sa University Library. Sinimulan kong mag-outline para sa isang slide presentation. Napasulyap ako kay Aldren na abala ring nagbabasa. Mukhang naramdaman niya ang bigat ng aking pagtitig kaya napatingin siya sa akin.

破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon