Aldren's Point of View
"Didi," pagtawag ni Ate. "Sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Baka naman dala lang ng galit mo kina Baba."
"Hindi, Jiejie," tugon ko. "Mahal ko si Miguel."
"James, tama na," saway ni Mama. "Isa kang Wang. Higit sa lahat, ikaw lang ang tanging lalaki sa pamilya natin. At importante sa pamilya natin ang kultura natin. Mas mabuti pang kalimutan mo na kung sino man 'yang Miguel na 'yan."
"Ma, " pakiusap ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagluha at humawak sa kamay ni Mama. "Bai tuo. (Please, I beg you)"
"Hindi mo naiintindihan, James," tugon ni Mama. "Hndi puwedeng malaman ng Baba mo ang tungkol dito; baka ano pang magawa nya sa'yo."
"Ma, wala akong pakialam!"
"Hindi mo kilala ang Baba mo. Kaya hangga't maaga pa ay layuan mo na kung sino man 'yang Miguel na 'yan. Baka madamay pa siya. Utang na loob, James... para sa ikabubuti niyong dalawa."
Hinila niya ang kamay niya bago lumabas ng aking silid.
"Ma!" pagsusumamo ko. Marahan akong hinila ni Jiejie at yinakap nang mahigpit.
"Didi, naiintindihan kita," wika niya habang yakap-yakap ako. "Tanggap kita pero pasensya na dahil wala akong magagawa para sa'yo."
"Paano kami ni Miguel?" tanong ko.
"Kailangan mong sundin si Baba," tugon niya. "Alam mo naman kung anong kaya at kung anong puwedeng gawin ni Baba sa'yo at kay Miguel."
Hindi ko alam kung anong dapat gawin pero natatakot ako para kay Miguel. Ayokong idamay siya ng kademonyohan ng aking ama.
Kadiliman.
KASALUKUYAN akong naglalakad sa daan patungo sa isang restawrant. Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib; tila ba nakikisabay ang kalangitan sa aking kalungkutan. Malakas kasi ang ulan. Nakatakda kaming magkita ni Miguel ngayong araw at batid kong hinihintay niya na ako.
"Titila rin ito para sa amin ni Miguel," wika ko sa aking isipan habang nakamasid sa pagpatak ng ulan. Makakalimutan niya rin ako. Makakatagpo rin siya ng taong para sa kanya."
Napabuntonghininga ako bago tuluyang pumasok sa restaurant. Kaagad kong nakita si Miguel; pinagmamasdan niya ang ulan. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya.
"Miguel," pagtawag ko bago naupo sa bakanteng upuan.
"Nauna na akong um-order. Tara kumu—"
"Hindi na," seryoso kong pagtanggi. "Kailangan ko na rin namang umalis kaagad."
"Bakit naman? May biglaan ka bang lakad."
Miguel, maghiwalay na tayo," pilit kong linakasan ang loob ko. Tila ba kaagad na naubos ang enerhiya ko sa iisang pangungusap na 'yon.
"Naguguluhan ako. Bakit?"
"W-wala na akong nararamdaman para sa'yo," pagsisinungaling ko.
"Kahapon lang, maayos tayong dalawa," naguguluhan nyang tugon. "Bakit biglaan na lang ganito?"
"Pasensya na, Miguel... pero sinubukan ko naman na— si Cindy." Kailangan kong gawin ito kahit na sobrang sakit din sa akin. Kailangan kong sabihing may iba upang lubos siyang maniwala.... Upang lubos siyang masaktan at lubos niya akong kamuhian. "Gusto ko lang na maayos na makipaghiwalay sa'yo."
Natahimik kaming dalawa.
"Umalis ka na," pagpasag niya sa katahimikan.
"Miguel, pa—"
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomansSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...