Aldren' Point of View
Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa at pumunta sa contacts. Hinanap ko ang contact number ni Kuya Rob, isa sa malapitb kong pinsan na nagta-trabaho sa isang law firm. Pagkalipas ng ilang segundo ay sinagot niya ang tawag.
"Hey, Aldren," pagbati niya.
"Kuya Rob," saad ko.
"You called?"
"Uhm, I need help," tugon ko. "Do you know a Private Investigator?"
"Private investigator?" pag-uulit niya. "For what?"
"I need some information about some people," tugon ko.
"And this person is?"
"A person from the past," sagot ko ngunit mabilis akong nagdahilan. "Actually, may research paper 'yong kaibigan ko. I just want to help."
"I'll find someone to help you," pagpayag niya. "But you need to provide me with some information."
"Thanks, Kuya," pasasalamat ko.
"Sure thing. Anyway, I need to go. Marami pa akong dapat gawin."
Inilabas ko ang laptop ko mula sa aking backpack at sinimulan ang slide presentation para sa isang report. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating si Kazu.
"Why so late?" tanong ko habang nagtitipa.
"Nag-review ako," tugon niya. "With my friend."
"Anatomy? Parts of the body?" sunod kong mga tanong kaya naman natawa siya.
"Jealous much?" tukso niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Sensitive much?" tukso ko pabalik sabay tawa.
"Are you mad? Kasi hindi kita nasamahang kumain ng dinner?"
"Delulu," asagot ko. "Kasabay ko sina Stephen at Jake."
"Ah, kaya pala."
"Kaya pala ano?"
"Good mood ka," simple niyang sagot. Napa-ikot ako ng mga mata dahil sa kanyang sinab bago itinuon ang sswaking atensyon sa aking ginagawa.
Nang matapos ako ay tumayo ako at nagtungo sa tapat ng aparador para kumuha ng pajama.
"Matutulog ka na kaagad?" tanong naman ni Kazu nang makita akong magpalit ng damit.
""Maaga pa ako bukas. So, it can't be helped."
"The overly studious student," wika niya sabay iling. "You're such a nerd."
"Whatever, Kazu" komento ko sabay tawa.
"God, I'm exhausted!" bulalas ko sabay higa sa kama.
****
Minulat ko ang aking mga mata. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang pamilyar na lugar, isang lecture room. Gawa pa sa kahoy ang mga armchair na naroon.
Isa na namang panaginip.
Naagaw ang aking atensyon ng ilang estudyanteng papalabas ng silid na 'yon.
I'm sure the class has just ended.
Nasa pinakagilid ng silid si Miguel; nasa tabi siya ng bintana; nakatingin siya sa labas at tila ba may malalim na iniisip.
I took the chance to look at his doe-eyed face. He reminded me a lot of Stephen.
Para bang magkapatis sila— no, para bang iisa lang sila.
It's all confusing. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Miguel," pagtawag ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"James," saad niya nang makita ako. "May kailangan ka?"
"Hindi mo yata kasama si Theresa ngayon," wika ko.
"Ah, may sakit siya ngayon."
"Gusto mo bang kumain kasama ako?" yaya ko. Nakaramdam ako ng kaunting kaba at hiya.
"Sige," pagpayag niya.
"Habang wala si Theresa tatabi na muna ako sa'yo kung okay lang," paalam ko.
"Okay lang sa akin, wala namang problema," tugon niya. Bumalik ako sa aking mesa at kinuha ang aking mga gamit at pumwesto sa tabi ni Miguel. Binalot kami ng katahimikan ngunit ramdam ko ang saya sa aking dibdib ngayong katabi ko siya.
Sigurado ako na may espesyal na pagtingin si James kay Miguel. Hindi ko maiwasang mapamasid sa kanya; nakatitig lang siya sa labas.
"Miguel," pagtawag ko; napalingon siya sa akin. "May problema ka ba? Parang napakalalim kasi ng iniisip mo."
"Okay lang ako," tugon niya. "Iniisip ko lang na malapit na pala ang araw ng kaarawan ko."
"Hindi ba dapat masaya ka dahil araw mo 'yun?"
"Masaya ako," paglilinaw niya.
"Pero bakit ang lungkot mong tingnan? Tingnan mo 'yang mukha mo, nakasimangot ka."
Pinilit naman niyang ngumiti.
"James, naranasan mo na bang magkaroon ng isang sikreto?" seryoso niyang tanong.
"Oo naman," tugon ko. "Lahat naman siguro tayo ay may tinatagong sekreto."
"Oo pero hindi lang basta sekreto ang tinutukoy ko. 'Yong klase ng sekreto na ayaw mong malaman ng iba dahi natatakot kang... masaktan at makasakit ng iba."
""Naiintindihan kita."
"May sekreto ka bang ganoon?" nagtatakang tanong ni Miguel.
"Oo naman," tugon ko bilang si James.
Alam ko ang mga sikretong tinutukoy niya.
Una, ang lihim niyang pagtingin kay Miguel.
At pangalawa, ang tunay niyang pagkatao na tinatago niya sa kanyang pamilya.
Sa mga panahon nila, hindi ito tanggap sa lipunan.
Dumagadag na iba pa ang kultura ng kanyang ama.
He can't be gay... dahil siya ang panganay na anak na lalaki sa pamilya.
"Pero minsan, nakakabuting magsabi at maglabas ng nararamdaman sa ibang tao," wika ko. "Lalo na sa mga taong pinagkakatiwalaan mo."
Ngumiti siya at tumango.
"Maikli lang ang buhay, Miguel," pahabol kong sinabi. "Kaya naman gawin mo lang ang ninanais ng puso mo."
"Napakadali lang sabihin pero ang hirap gawin," wika niya. "Salamat, James. May lalim ka rin palang kausap."
"Hindi ko alam kung matatawa ako o ma-o-offend," tugon ko. "Malalim akong kausap. Ilang buwan na tayong magkaklase pero hindi mo pa rin napapansin 'yun?"
"Hindi naman tayo masyadong nakakapag-usap tungkol sa mga ganitong bagay."
"Sa bagay," pagsang-ayon ko. "Puwede tayong magsimulang mag-usap ng mas malalalim na bagay. Puwede nating matutunan ang tungkol sa isa't-isa. Pero Miguel... may sekreto naman akong gustong sabihin sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Gusto kita," lakas-loob kong pag-amin. Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi.
Bigla kaming nabalot ng katahimikan. "Miguel? Narinig mo ba'ng sinabi ko?"
"P-pasensya na," wika niya.
"Did I make you feel uncomfortable?" ang sunod ko namang tanong. "Na-turn off ba kita?"
"Hindi," tugon niya sabay tawa. "Hindi lang ako makapaniwala."
Sinabayan ko siya sa kanyang pagtawa.
Biglang nagdilim ang paligid kasabay ng paghina ng aming mga boses.
BINABASA MO ANG
破碎的誓言 (The Broken Vow) A BL Romance
RomanceSa paglipat ni Stephen ng pinapasukan ay umaasa siyang isa itong panibagong simula para sa kanya. Sa na ay tahimik ang lahat ngunit magbabago ito sa pagdating ni Aldren. Isang hindi mapaliwanag na na galit an kaagd na naramdaman ni Stephen sa kany...