CHAPTER 4

461 7 0
                                    

THIRD PERSON POV

Muling nagkita sa loob ng isang hotel room ang isang lalaki at isang babae. Habang tumatagal ang kanilang mga nakaw na sandali ay mas lalo silang nagiging mapusok. Mas dumadalas ang kanilang patagong pagkikita. Hindi alintana kung sila man ay may pinagtataksilan.

Sabik na sabik ang magkalaguyo sa katawan ng bawat isa. Nakatuwad sa sahig ng hotel room na iyon ang babae habang ang lalaki ay nasa ibabaw nito at umuulos sa loob ng yungib nito mula sa likuran. Malalakas ang kanilang mga ungol. Nakasisiguro silang walang makaririnig sa kanilang mga pag-angil.

Paminsan-minsan ay napapasabunot pa ang lalaki sa buhok ng babae at hinahatak ito na nagiging sanhi ng pagtingala ng ulo ng babae. Dito naman ay iaanggulo ng lalaki ang ulo ng babae sa kanyang direksyon sa likuran nito para magkaharap ang kanilang mga mukha.

Oras na magtama ang mga hanging nagmumula sa loob ng kanilang mga bibig ay magsasalubong ang mga labi ng lalaki at ng babae para pagsaluhan ang isang makasalanang halik. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha sa sobrang pagsibasib nilang dalawa sa mga labi ng isa't isa.

Ilang mabilis na pag-ulos pa ng alaga ng lalaki sa loob ng yungib ng babae ay sumabog na ang mga katas niya sa kaloob-looban ng nag-aalab na yungib ng babae.

Muli na namang nakaraos ang dalawang taksil.

----------

ZANDER's POV

Nakita kong umalis na ang tricycle na nasa harapan ng tricycle na sinundan ko. Buti naman. Isa na lang at makakapasada na ulit ako. Marami-rami rin ang kinita ko ngayon kaya malaki ang matitirang kita sa akin kapag naibigay ko na ang boundary sa may-ari ng tricycle na ipinapasada ko.

Pasipol-sipol ako habang hinihintay na mapuno ang tricycle na sinundan ko rito sa terminal ng tricycle sa barangay kung saan kami nakatira ng misis kong si Trina at ng anak naming si Clarence.

Maya-maya ay may dumaang itim na kotse sa tabi ng terminal ng tricycle. Pamilyar sa akin ang kotseng ito. Sinubukan kong aninagin kung sino ang sakay sa loob ng kotse since hindi naman tinted ang sasakyan.

Si Ayla ba 'yon?

Nanlaki ang aking mga mata. Si Ayla nga. Isa sa mga kaibigan namin ng misis ko. Pero bakit nandito sa lugar namin ng misis ko ang kaibigan namin ngayon? Binisita ba nito ang misis kong si Trina?

Napailing ako. Hindi man lang ako hinintay ni Ayla na makauwi ng bahay namin ni Trina para makapagkumustahan kami. Magpapasalamat na rin sana akong muli rahil malaking tulong ito at ang asawa nitong si Rafael sa aming mag-asawa. Si Rafael ay parte rin ng barkada at kaibigan din namin ni Trina.

Sina Ayla at Rafael ang tumulong sa aming mag-asawa nang mangailangan kami ni Trina ng pera rahil nasaid ang aming ipon nang dapuan ng dengue ang anak naming si Clarence. Si Trina ang pinaka-close friend ni Ayla sa barkada kaya hindi naging mahirap para sa misis ko ang humingi ng tulong pinansiyal kay Ayla.

Nagbigay ng malaking pera sa amin ni Trina ang mag-asawang Ayla at Rafael. Sapat para makapagpatayo si Trina ng karinderya. Ipinilit namin ni Trina na utang iyon, pero tumanggi sina Ayla at Rafael. Isipin na lang daw namin na regalo nila iyon sa kanilang inaanak na siyang anak namin ni Trina.

Ang pwesto ni Trina ay sa mismong tapat ng bahay namin. Kumuha siya ng tatlong taong makatutulong niya sa karinderya sa tuwing namamasada ako.

Dahil naging abala sa karinderya si Trina ay kumuha siya ng tagapangalaga ng baby namin, ang kapitbahay naming si Hayley. Uwian naman ito. Kaya ngayon ay apat na tao ang sinasahuran ni Trina, na hindi na rin naman mabigat dahil sa laki ng kinikita ng karinderya.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon