CHAPTER 11

368 5 2
                                    

THIRD PERSON POV

Bumaba mula sa taxi si Trina sa tapat ng isang hotel. Dito sa hotel na ito madalas magpunta si Trina para kitain ang isang tao.

Ang hotel na ito ay malapit lamang sa barangay kung saan nakatira si Trina kasama ang kanyang mister na si Zander at ang kanilang anak na si Clarence.

Ang hotel na ito ang napiling tagpuan ni Trina at ng lalaking kanyang kinikita rito para madali lang din siyang makababalik sa kanyang pagmamay-aring karinderya oras na matapos sila ng lalaki sa kanilang ginagawang kababalaghan sa hotel na ito.

Luminga muna si Trina sa paligid at nang masigurong walang nakasunod sa kanya ay agad siyang pumasok sa loob ng hotel.

Lumapit si Trina sa front desk ng hotel at sinabi sa staff na naroon ang pangalan ng lalaking kanyang kikitain.

Kilala na si Trina at ang kanyang kinikitang lalaki ng mga staff doon dahil madalas silang dalawang magkita roon.

Binabayaran ng lalaking kinikita ni Trina ang mga staff ng hotel para walang pagsabihan ang mga ito na madalas magkita si Trina at ang lalaki sa hotel na ito.

Iniabot ng staff sa front desk kay Trina ang isang hotel key card para sa hotel room kung saan naghihintay na sa loob niyon ang lalaking kanyang kikitain.

Sumakay ng elevator si Trina at nagsisimula na namang tumalon ang kanyang puso sa kaalamang muli na naman silang magkikita ng lalaking iniibig.

Oo, iniibig ni Trina ang lalaking kanyang kikitain.

Kailanman ay hindi minahal ni Trina ang kanyang asawang si Zander.

Natuwa lang si Trina sa ideyang kaya niyang baguhin ang babaerong si Zander kaya sinagot niya ang panliligaw nito sa kanya rati.

Matagal din bago tuluyang tumigil si Zander sa pagtingin sa ibang babae noong magkasintahan na sila.

Wala naman sanang balak si Trina na pakasalan si Zander ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuntis siya kaya agad siyang pumayag na magpakasal dito nang alukin siya nito ng kasal.

Ayaw ni Trina na maging tampulan siya ng tsismis kung magkakaroon siya ng anak na walang ama kaya pinakasalan niya si Zander kahit na hindi pa siya handa sa panibagong responsibilidad dahil may pinapaaral pa siyang dalawang kapatid.

Mabuting asawa naman si Zander kay Trina at mabuting ama sa kanilang anak na si Clarence. Pero sa totoo lang ay hindi ang buhay na mayroon si Trina ngayon ang buhay na kanyang pinangarap.

Oo, masipag si Zander pero hindi ito madiskarteng katulad ni Trina. Hindi agad nakagagawa ng paraan si Zander para masolusyonan ang kanilang mga problema.

Nang dapuan ng dengue ang kanilang anak na si Clarence ay nasaid ang lahat ng ipon nina Trina at Zander.

Kung hindi pa naisipan ni Trina na lumapit sa kaibigan nila ni Zander na si Ayla ay baka nagtitiis pa rin ang pamilya ni Trina sa kinikita ni Zander sa ipinapasada nitong tricycle.

Ang ibinigay na malaking halaga ni Ayla at ng asawa nitong si Rafael na kaibigan din nina Trina at Zander ay ginamit nila para sa pagtatayo ng karinderyang mina-manage ni Trina.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon