MISHA’s POV
Patakbo akong lumapit kay Bryce nang makita ko ito sa labas ng isang Private Room dito sa loob ng hospital kung saan dinala ang girlfriend nitong si Bianca na isa sa aking mga kaibigan.
Misha: Bryce!
Kaagad itong lumingon sa akin pagkarinig ng pagtawag ko sa pangalan nito.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. May pakiramdam akong ganoon din ang kanyang nakikita sa aking mga mata.
I’m worried for Bianca at umaasa akong hindi malala ang kalagayan ng aking kaibigan.
Misha: What happened, Bryce? Kumusta si Bianca? Dumating na ba si Ayla?
Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid ngunit hindi ko makita ang presensya ng aking kaibigang si Ayla.
Siya ang tumawag sa akin kanina at sinabing tumama sa puno ang minamanehong sasakyan ni Bianca. She was driving under the influence of alcohol.
Hindi ko alam kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon. Dati pa naman ay mahilig na itong uminom ng nakalalasing na likido pero kahit kailan ay hindi naman ito nagpakalasing kung alam nitong magda-drive ito ng kotse.
Hindi kaya may problema si Bianca?
Bryce: Dumating na si Ayla kanina. Nasa loob na siya ng Private Room. Kalilipat lang doon ni Bianca. Sinubukan kong tawagan ang best friend niyang si Diva pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Si Ayla ang sunod kong naisipan na tawagan.
Sandali akong lumingon sa pintuan ng kwarto ng hospital kung saan naka-admit ang aking kaibigan bago muling hinarap si Bryce.
Misha: Bakit naglasing si Bianca nang tanghaling tapat, Bryce? I’m aware of her drinking habit pero hindi siya ganito ka-irresponsible. May problema ba siya?
Umiwas ng tingin sa akin si Bryce at yumuko.
Napakunot ang aking noo dahil sa inakto nito. May pinagdadaanan ba si Bianca na hindi masabi sa akin ng boyfriend nito?
Misha: Hey, Bryce. Look at me. Pwede kang magsabi sa akin. Kaibigan ako ni Bianca.
Nang muling tumuon sa akin ang mga mata ni Bryce ay nakita ko ang pag-aalinlangan doon.
Misha: It’s okay, Bryce. Come on. Tell me.
Nagbuntung-hininga muna ito sa aking harapan bago nagsalita.
Bryce: Ilang araw nang nilulunod ni Bianca ang sarili niya sa alak m-mula noong pinalayas mo si Gino sa bahay ninyo. Sinisisi niya ako sa nangyaring hiwalayan sa inyong dalawa ng asawa mo.
Nasilip ko ang lungkot at pagsisisi mula sa mga mata ni Bryce habang sinasabi nito sa akin ang mga bagay na iyon.
Bryce: Siguro iniisip niya na kung hindi niya ako nakilala ay hindi ko sana makikilala ang grupo ninyo. Hindi sana maghihiwalay ang dalawa sa mga kaibigan niya.
Sandali akong natahimik dahil sa sinabing iyon ni Bryce.
Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Bianca dahil wala akong ideya na labis pala itong naapektuhan sa ginawa kong pagpapaalis kay Gino mula sa aming bahay.
Noong araw na inihagis ko ang mga gamit ng aking mister palabas ng aming tahanan ay naroon ang lahat ng aming mga kaibigan. Nasaksihan nilang lahat kung paanong ipinagtabuyan ko ang ama ng aking mga anak dahil sa ginawa nitong pagtataksil.
Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip ko kung paanong sinira ni Gino ang mga pangakong binitiwan nito sa harap ng altar noong araw ng aming kasal.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
General FictionPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...
