PROLOGUE

743 6 2
                                    

THIRD PERSON POV

Enjoy na enjoy si Steven habang nakikipaghabulan sa mga batang naroroon sa birthday party ng kambal na anak ng mga kaibigan niyang sina Gino at Misha. Inaanak nilang magkakaibigan ang dalawang anak ng mag-asawa.

Tuwang-tuwang pinapanood ng mga magulang ng ibang batang bisita si Steven habang nakikipaglaro sa anak ng mga ito. Likas na mahilig sa mga bata si Steven kahit noong bata pa lamang siya. Siguro ay dahil marami siyang nakababatang kapatid kaya sanay siyang makihalubilo sa maraming bata.

Masayang nakikipaglaro si Steven sa mga bata nang mapatingin siya sa mesa ng mga kaibigan niyang sina Ayla at Rafael. Nag-uusap ang mga ito at base sa ngiti na nakikita niya sa mukha ni Ayla ay alam niyang pinag-uusapan ng dalawang ito ang nalalapit na kasal. Masaya siya para sa dalawa, pero hindi niya maiwasang makadama ng selos. Matagal na niyang lihim na iniibig si Ayla. Mga bata pa lamang sila, ngunit kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagtapat dito ng totoong nararamdaman.

Maya-maya ay nilapitan siya ni Gabriel, isa sa mga kaibigan niya. Magpapakuha ito ng picture kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Diva.

Steven: Nagtapat ka na ba kay Diva, pare?

Pabulong lamang ang tanong na iyon ni Steven kay Gabriel para hindi marinig ni Diva na nasa malapit lamang.

Biglang umasim ang mukha ni Gabriel.

Gabriel: Sinubukan kong magpahaging kanina, pero parang binara ako.

Steven: 'Yon lang.

Inakbayan ni Steven si Gabriel at tinapik ang balikat nito.

Steven: Basta, pare, huwag na huwag kang maninira ng relasyon.

Tumango si Gabriel at muli na namang napatingin si Steven sa kinauupuan nina Ayla at Rafael.

Matapos kuhaan ni Steven ng larawan sina Diva at Gabriel ay lumapit sa kanila si Misha. Mukhang stressed out na ito.

Misha: Overtime daw si Gino. Ngayon pa talagang birthday ng kambal namin.

Diva: Don't worry, friend. Maya-maya ay nandiyan na 'yan. So ibig sabihin mali-late din si Bianca kasi 'di ba assistant ni Gino 'yong boyfriend niya?

Natawa si Gabriel.

Gabriel: Ang tanong, eh, kung pumasok ngayon sa trabaho ang boyfriend niya. Monthsary nila ngayon, 'di ba? And knowing Bianca, hindi pwedeng walang sexy time kapag monthsary. Malamang pinag-leave niya 'yon. What Bianca wants, Bianca gets.

Muling tumawa si Gabriel at napailing naman si Steven. Boyfriend ngayon ng kaibigan nilang si Bianca ang assistant ng kaibigan nilang si Gino na si Bryce. So far, ito na ang pinakatumagal sa lahat ng naging boyfriends ni Bianca. Kung magpalit kasi ito ng boyfriend ay parang nagpapalit lang ng damit. Isa nga siya sa binalak na gawing boyfriend nito for experiment daw, pero tumanggi siya rahil si Ayla lang talaga ang gusto niyang maging girlfriend na hindi na maaaring mangyari. Hindi umubra sa kanya ang "what Bianca wants, Bianca gets".

Bumuntung-hininga si Steven at muling tumingin sa direksyon nina Ayla at Rafael.

Napalingon si Steven sa isang sulok at hindi na siya nagulat nang makita ang kaibigang si Zander na pinopormahan ang nakababatang kapatid ni Misha. Babaero itong kaibigan niya at sigurado siyang idadagdag lang nito sa listahan ang babaeng kapatid ni Misha.

Maya-maya ay lumapit ang isa sa mga kaibigan nila na si Trina kay Zander at piningot ang kanang tainga nito. Nagulat ang kapatid ni Misha na si Marie at agad na lumayo kay Zander. Pinakawalan naman ni Trina ang tainga ni Zander. Himas-himas nito ngayon ang kanang tainga. Girlfriend ni Zander sa Trina, pero hindi pa rin napipigilan ang pagiging babaero.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon