STEVEN’s POV
Kitang-kita ko ang gigil sa mukha ng aking kaibigang si Zander matapos niyang ikwento sa amin ni Gabriel ang tungkol sa nakita niyang pregnancy test kit sa loob ng trash bin na nasa loob ng kanilang banyo noong isang araw. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita dahil ayon kay Zander ay ilang linggo nang hindi sila nagtatalik ng kanyang misis na si Trina.
Araw ng Sabado ngayon at naisipan namin nina Zander at Gabriel na magkita-kita sa aking apartment unit para pag-usapan ang tungkol sa hinala ni Zander na may lalaki ang kanyang asawa at makapag-catch-up na rin.
Gabriel: Uhm, bro, are you sure kay Trina ‘yon? I mean, you said you haven’t talked to her about it yet. How confident are you na sa kanya ‘yon at hindi sa babysitter ninyo?
Napasapo si Zander sa kanyang sentido bago sinagot ang tanong ni Gabriel.
Zander: Sigurado akong kay Trina ang pregnancy test kit na ‘yon. Malabong si Hayley ang gumamit niyon dahil wala naman akong nababalitaang may boyfriend ang isang ‘yon.
Tumingin muna sa akin si Zander bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Zander: Ikinuwento ko pa nga rito kay Steven na inaakit ako ng babaeng ‘yon para sana magpatulong na ligawan niya ‘yon at mabaling na sa iba ang atensyon. Hindi iyong ako ang ginugulo.
Muli akong tiningnan ni Zander bago umiling-iling.
Zander: Ang kaso ang tingin niya ay magtataksil siya kay Ayla kapag inakit niya si Hayley. Pambihirang ‘yan. Akala mo siya ang asawa.
Nakita ko ang pagpipigil ni Gabriel na mapangiti matapos sabihin iyon ni Zander.
Steven: Sa pagkakaalala ko, bro, ay ikaw ang namomroblema ngayon kaya tayo nagkita-kita, ‘di ba? Pero bakit napunta sa akin ang usapan?
Sa pagkakataong iyon ay muling sumeryoso ang mukha ni Zander at tumiim-bagang.
Zander: Sinasabi ko sa inyo, bro, oras na malaman kong pinipindeho ako ni Trina, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya lalong-lalo na roon sa lalaki niya.
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Zander at ang galit sa kanyang mga mata.
Steven: Bro, huwag ka munang magsalita ng ganyan. Alalahanin mo, hinala pa lang ang pinanghahawakan mo ngayon. Wala ka pang ebidensya na may ginagawang kalokohan si Trina.
Nang tingnan ko si Gabriel ay tumango-tango ito sa aking sinabi.
Gabriel: And besides, bro, do you really think na ganoong uri ng babae ang asawa mo? Mas maniniwala pa siguro ako if you’re the one who’s cheating on your wife.
Naningkit ang mga mata ni Zander sa sinabing iyon ni Gabriel kaya naman nakangiting itinaas nito ang mga kamay at nagkibit-balikat.
Gabriel: Just telling the truth, bro.
Paasik na inabot ni Zander ang bote ng beer na nasa kanyang harapan sa ibabaw ng aking center table at diretsong tinungga ang natitirang laman niyon.
Steven: Bro, huwag kang magpapakalasing. Baka magtaka pa si Trina niyan?
Sa namumulang mukha ay ngumisi si Zander sa akin.
Zander: Huwag mo akong itulad sa ‘yo na mababa ang alcohol tolerance. Naalala mo ba ‘yong nagwala ka sa isang bar noon dahil sa sobrang kalasingan?
Okay, ipinapaalala na naman sa akin ang aking kahihiyan noon.
Zander: Swerte ka lang talaga at kaibigan ng father ni Gabriel ang owner ng bar.
Ngumiwi na lang ako nang sabay silang nagtawanan ni Gabriel.
Steven: Masaya ka na ba, bro? Sana pansamantalang nawala ang init ng ulo mo dahil diyan.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
Ficción GeneralPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...
