GOOD NEWS FROM THE MAIN CHARACTERS

116 1 0
                                    

Sa loob ng isang studio ay naroon ang mga bida ng kwentong "You Are Not Alone..." ni Mr. WOM na sina Steven, Ayla, Bianca, Diva, Gabriel, Gino, Misha, Rafael, Trina, at Zander.

Steven: Greetings to all of "You Are Not Alone..." readers.

Sabay-sabay na kumaway sa harap ng camera ang sampung magkakaibigan.

Zander: So, bakit ba tayo nandito ngayon, guys?

Kumunot pa ang noo ni Zander na animo'y walang ideya sa mga nangyayari at isa-isa tiningnan ang mga kasama.

Misha: Well, nandito tayo para magpasalamat sa lahat ng readers ng "You Are Not Alone..." sa kanilang suporta sa kwentong ito.

Nakangiting tumango si Diva kay Misha.

Diva: Yes, guys, thank you rahil patuloy na nadadagdagan ang reads ng story namin each day.

Si Gino ay tumuro pa sa harap ng camera.

Gino: At dahil 'yan sa inyong mga patuloy na nagbabasa at new readers ng kwentong ito. Kaya naman sobrang thankful sa inyo si Mr. WOM, guys.

Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Ayla habang tumango-tango sa harap ng camera.

Ayla: At dahil sa inyong suporta kaya naman isang special treat ang handog ni Mr. WOM para sa readers ng "You Are Not Alone...".

Pumalakpak muna si Trina bago nagsalita.

Trina: Yes, napagdesisyunan ni Mr. WOM na magdagdag ng special chapter sa kwentong ito bago ang final chapter.

Tumango si Rafael sa sinabi ni Trina.

Rafael: At ang magiging focus ng special chapter na iyon ay ang mananalong "You Are Not Alone..." main character sa Poll ng story na ito.

Nakangiting humalukipkip si Bianca sa harap ng camera.

Bianca: Kaya naman nasa inyong mga kamay kung sinong main character ang mababasa ninyo sa special chapter ng kwentong ito.

Umakbay si Gabriel kay Diva.

Gabriel: Remember, you can only chose one mula sa amin nina Steven, Zander, Ayla, Trina, Misha, Bianca, Gino, Rafael, at syempre, ng aking pinakamamahal na si Diva.

Nag-thumbs up pa si Gabriel sa harap ng camera.

Steven: So, hayan. Alam niyo na ang good news, readers. Once again, thank you for the support and we hope na ma-enjoy ninyo ang future chapters ng "You Are Not Alone...". Abangan ang update ng kwentong ito every second Saturday and every fourth Saturday of the month. Ciao!

----------

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon