CHAPTER 15

202 3 0
                                    

STEVEN's POV

Sinusubukan kong hindi mainis pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi gusto ni Rafael na makipagkita sa akin para pag-usapan ang nangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa noong isang araw.

Kaibigan ko si Rafael kaya hindi ko gustong hindi kami nagkakaayos nang dahil lamang sa maling hinala nito tungkol sa akin at kay Ayla. Mali ang hinala ni Steven na may bawal na relasyon kami ni Ayla.

Mapakla akong tumawa pagkatapos ay umiling.

Paano kaming magkakaroon ng relasyong higit pa sa matalik na magkaibigan ni Ayla kung hindi naman ako nagtatapat ng aking totoong damdamin para sa kanya?

Eh, kahit nga yata sa hinagap ay hindi man lang naisip ni Ayla na may lihim akong pagtingin sa kanya. Na noong mga bata pa lamang kami ay hinahangaan ko na siya at ilang love letters na ang aking naisulat na hindi man lamang nakaabot sa kanya.

Dahil nga isa lamang akong matalik na kaibigan para kay Ayla. Her guy best friend with a capital letter B.

Tapos ngayon ay pag-iisipan kaming dalawa ni Ayla ng masama ng kanyang asawa. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Rafael ang ideyang may lihim kaming relasyon ng asawa nito.

Nagseselos ba si Rafael sa aming closeness ni Ayla?

Pero sobrang close na kami ni Ayla kahit noong mga bata pa lamang kami at bago pa namin makilala ni Ayla ang mga taong parte ng aming barkada ay kaming dalawa na ang palaging magkasama noon.

Isa pa, kahit noong mga estudyante pa lamang kami ay saksi na si Rafael sa closeness naming dalawa ni Ayla ngunit kahit kailan ay hindi naman ito nagselos noon.

Naintindihan ni Rafael ang katotohanang ako ang pinakamatalik na kaibigang lalaki ni Ayla at naunawaan nitong mas nauna akong dumating sa buhay ni Ayla kaysa rito at malaki na ang aking parte sa buhay ni Ayla.

Nirespeto ni Rafael ang relasyon namin ni Ayla bilang matalik na magkaibigan at ganoon din naman ako kay Rafael noong naging magkasintahan na silang dalawa ni Ayla lalong-lalo na noong naging mag-asawa na sila.

Lalaki ako kaya alam ko ang mararamdaman ni Rafael kung makikita nitong may ibang lalaking dumidikit sa asawa nito kahit pa ang lalaking iyon ay kaibigan ng asawa nito.

Nang maging magkarelasyon na sina Ayla at Rafael ay binawas-bawasan ko ng kaunti ang pagiging close namin ni Ayla ngunit sinigurado ko pa rin sa kanya na always available ako sa tuwing kakailanganin niya ng taong makakausap at mapaglalabasan ng sama ng loob at mga hinaing sa buhay.

Kahit magkarelasyon na sina Ayla at Rafael noon at dumidistansya ako kay Ayla bilang respeto na rin kay Rafael na boyfriend ni Ayla that time at isa rin naman sa aking mga kaibigan ay ipinadama ko pa rin kay Ayla sa pamamagitan ng aking mga munting paraan na hindi tuluyang mawawala ang aking presenya sa kanyang buhay.

Paminsan-minsan kong kinukumusta si Ayla sa tuwing nakikita kong mag-isa siya sa school noong High School kami at sa university nang tumuntong na kami sa College. Minsan naman ay nililibre ko siya ng pagkain sa canteen pero syempre palagi kong dinadamay si Trina na pinakamatalik na kaibigang babae ni Ayla sa aming barkada para hindi magmukhang obvious na gusto ko lang talagang i-treat si Ayla.

Ngunit tumigil sa pag-aaral si Trina nang magkasunud-sunod ang problemang dumating sa pamilya nito kaya umisip ako ng ibang paraan kung paano ko maililibre ng pagkain si Ayla nang hindi nagmumukhang parang gusto ko lang siyang makasama.

Ang una kong naisip ay si Misha rahil ito ang pangalawang pinaka-close na female friend ni Ayla pero hassle sa part ko rahil sa ibang university pumapasok si Misha noon dahil wala sa university na pinasukan naming halos lahat na barkada ang kursong gusto nitong i-take. Pero kahit ganoon ay alam kong lihim na inuutusan ni Misha si Ayla na bantayan ang boyfriend nitong si Gino nang panahong iyon kung mambababae ito o hindi.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon