CHAPTER 24

81 2 2
                                        

DIVA’s POV

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang lumabas mula sa en suite bathroom ng aking kinaroroonang kwarto ang kaibigan kong si Gabriel na nakatapi lamang ng tuwalya. Kaagad kong ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin.

Oo, alam kong ilang taon na kaming magkaibigang dalawa at hindi ito ang first time na nakita ko ang maganda niyang pangangatawan. Ngunit hindi na katulad ng dati ang lahat.

Simula nang gabing ipagtapat sa akin ni Gabriel ang totoo niyang damdamin para sa akin ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa aking puso.

Isang damdaming hindi ko gustong palaguin.

Dahil kapag hinayaan kong lumalim ang emosyong iyon ay paniguradong may taong masasaktan.

Hindi ko gustong saktan ang boyfriend kong si Jackson.

Ilang magagandang bagay na ang nagawa ng aking boyfriend para sa akin. At hindi lamang para sa akin kundi maging para sa aking pinakamamahal na ina.

Walang dahilan para bigyan ko ng sama ng loob ang aking kasintahan. Lalo pa nga at alam kong mahal na mahal ako nito.

Kaya habang maaga pa ay dapat ko nang pigilan ang anumang umuusbong na damdamin sa aking puso para sa kaibigan kong si Gabriel.

Gabriel: Ahem, ahem, ahem.

Marahan akong napalunok ng aking sariling laway nang marinig ang pagtikhim ni Gabriel sa aking likuran na parang gustong kuhain ang aking atensyon.

Ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod dito habang nakaupo sa gilid ng kama.

Gabriel: What’s up with you, Diva? Awkward na ba sa iyo ang makita akong naka-towel lang? Dati nga nakikita mo pa ako in my underwear.

Parang gusto kong mainis sa nahihimigan kong panunukso sa tinig ng boses ni Gabriel.

Hindi ba siya marunong makaramdam?

Kasalanan naman niya kung bakit ako naiilang sa kanya ngayon.

Mula nang malaman ko ang totoong damdamin niya para sa akin ay sinadya ko nang i-lessen ang pag-uusap naming dalawa through text and chat messages.

Syempre gradual lang para hindi naman halatang apektado ako sa ginawa niyang pag-amin.

Pinipilit kong magmukhang normal pa rin ang interaction naming dalawa kahit para na akong sasabog sa halo-halong emosyon na lumulukob sa aking puso.

Bakit naman kasi kailangan kong maapektuhan sa mga ipinagtapat niya sa akin?

Dahil ba...

Dahil...

No!

Hindi.

Hindi pwede.

May boyfriend ako. Kasintahan. Jowa.

At Jackson ang pangalan niya at hindi Gabriel.

Pero hindi mo naman mahal si Jackson, hindi ba?

Nakakainis na iyon pa ang piniling pagkakataon ng aking isipan para itanong sa akin ang bagay na iyon.

Well, ano nga ba ang isasagot ko sa tanong na iyon?

Totoong bukal sa puso ko ang labis na pasasalamat para kay Jackson dahil sa lahat ng mga naitulong nito para sa aming mag-ina. Pero kilala ko rin ang sarili ko.

Ilang beses kong pinaniwala ang aking sarili na mahal ko rin ang aking boyfriend katulad nang pagmamahal nito para sa akin.

Ngunit kung totoo iyon, bakit may mga pagkakataong natatagpuan ko ang aking sarili noon na hindi si Jackson ang iniisip kong lalaki na makakasama sa habang-buhay?

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon