THIRD PERSON POV
Sa loob ng isang silid sa hotel na iyon ay naramdaman ng babae ang paghila ng lalaki sa kanyang hubad na katawan palapit sa sarili nitong katawan. Napaawang ang bibig ng babae nang maramdaman ang pagsalakay ng alaga ng lalaki sa loob ng kanyang butas.
Bawat galaw ng dalawang magkalaguyo ay sinasamahan ng matinding paghinga at mabagal na halik sa bawat bahagi ng katawan na naaabot ng kanilang mga labi habang magkahugpong ang pribadong parte ng kanilang mga katawan.
Bawat titig ay puno ng lihim at bawat bulong ay parang mga bawal na pangakong nakalaan lamang para sa isa’t isa.
Bumilis ang ritmo ng kanilang magkadugtong na katawan. Bawat indayog ay sumasabay sa init ng kanilang mga damdamin.
Ang mga halinghing at ungol ay nagpapaigting ng sensasyong kumakalat sa kanilang buong sistema. Ramdam nila ang unti-unting pamamasa ng kanilang mga balat.
Ang pagsasalubong ng kanilang mga labi ay mas nagpapalakas ng forbidden thrill na kanilang nararamdaman.
Alam nilang bawal ngunit ang kanilang naglalagablab na mga katawan ang nagdidikta na kailangan nilang tapusin ang nasimulan.
Ilang sandali pa ay magkasalikop ang kanilang mga kamay habang inaabot ang kasarapan ng sukdulan. Halos lamunin ng buo ng bibig ng lalaki ang mga labi ng babae habang kumakalat sa loob ng hiyas ng babae ang mainit na likidong bunga ng kanilang pagtataksil.
Matapos ang matinding init ay humupa ang rumaragasang pagnanasa. Magkadikit ang kanilang mga katawan habang magkapatong sa ibabaw ng kama.
Naghahalo ang mga pawis, laway, at malagkit na likido sa kanilang mga balat. Tinitigan nila ang isa’t isa at sa kanilang mga mata ay sumasalamin ang labis na kasiyahan.
Ang magulong kama ay sumisimbolo sa kanilang bawal na pagniniig.
Sandali silang nagpahinga sa ibabaw nito habang matamang nakatingin sa isa’t isa.
Sabay silang nagbuntung-hininga at ang hangin na nagmumula sa kanilang mga katawan ay nagpapatunay lamang ng kanilang nararamdamang init at pagnanasa para sa isa’t isa.
Alam nilang dalawa na ang gabing iyon ay hindi pa nagtatapos doon. Ang unti-unting pagkabuhay ng laman sa pagitan ng mga hita ng lalaki ay senyales ng muli nilang pagpasok sa mundo ng kasalanan.
----------
TRINA’s POV
Muli ko na namang nilingon ang direksyon ng aking asawang si Zander nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Ngunit katulad kanina ay nakita kong hindi ito nakatitig sa akin at naroon lamang sa isang panig para ibigay ang mga order ng ibang customers sa loob ng aming karinderya.
Ngayong araw ay walang pasada ang tricycle na minamaneho ni Zander kaya tumutulong ito sa karinderya kasama ang aming mga tauhan. Sinabihan ko itong magpahinga na lamang sa aming bahay para makabawi ng oras kay Clarence ngunit sinabi ng aking asawa na ayaw nitong mawala ako sa paningin nito.
Pabiro lamang na sinabi iyon ni Zander pero iba ang dating sa akin. Gusto kong isipin na naglalambing ito ngunit may kakaiba sa aking nararamdaman.
Siguro hindi ako mapalagay ay dahil alam ko sa aking sarili na may inililihim ako mula sa aking mister. Maaaring may parte sa aking puso na naghihintay lamang na dumating ang panahon na sumabog ang lahat ng aking mga sikreto.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
General FictionPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...
