CHAPTER 26

61 2 0
                                        

GINO’s POV

Kanina pa nakatuon ang aking atensyon sa phone na hawak ng aking kanang kamay. Hindi ko alam kung tamang kumustahin ko ang kalagayan ng aking kaibigang si Bianca matapos namin itong maihatid ng aking asawa sa condominium unit nito ilang araw na ang nakararaan.

It’s been a week since she had a car accident at hanggang ngayon ay wala akong balita kung kumusta na ito.

Si Bryce na boyfriend nito and one of my staff ay ilang araw nang hindi nagre-report sa work dahil naka-Vacation Leave ito. Gusto ko sanang tawagan ito para itanong kung kumusta na ang girlfriend nito but that would be too risky.

Paniguradong magtataka ang tao ko kapag ginawa ko iyon dahil bihira ko lamang itong tawagan unless mayroong work-related concerns.

At pareho naming alam na ang girlfriend nitong si Bianca ay hindi sakop ng aming trabaho.

Isang malalim na buntung-hininga ang aking pinakawalan at nahahapong hinimas ang aking batok gamit ang kaliwang kamay. Pakiramdam ko ay parang ilang taon ang nadagdag sa akin nang mabalitaan ko mula sa boyfriend ni Bianca na bumunggo sa isang puno ang minamanehong sasakyan ng aking kaibigan.

Kung pwede lamang na sumugod ako kaagad sa hospital pagkatapos kong matanggap ang tawag na iyon mula kay Bryce ay ginawa ko na.

Ngunit pinili kong huwag gawin dahil magiging kahina-hinala iyon kung magmumukha akong labis na nag-aalala para sa isang babae kahit kaibigan ko pa ito.

Nang makasakay sa loob ng kotse ko si Bianca para sa paghatid namin dito ng aking asawa sa condominium unit nito pagkagaling sa hospital ay ganoon na lamang ang pagpipigil ko sa aking sarili na abutin ang kamay nito mula sa backseat ng sasakyan para iparamdam na magiging maayos ang lahat.

Alam kong hindi iyon magiging maganda sa paningin ng aking kabiyak na si Misha na nakaupo sa passenger seat at ni Bryce na katabi naman ng aking kaibigan sa likod ng kotse.

Ilang beses akong panakaw na sumulyap kay Bianca sa rearview mirror para subukang silipin mula sa mga mata nito kung ano ang nararamdaman nito nang mga sandaling iyon.

Parang gustong sumabog ng aking dibdib nang makita ko ang lungkot sa mukha nito habang nagnanakaw ito ng sulyap pabalik sa akin.

Nang mga oras na iyon ay gusto ko itong yakapin, ikulong sa aking mga bisig at isandal sa aking dibdib habang ibinubulong sa tainga nito ang mga salitang makapagpapagaan ng loob nito.

Pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Not in front of my wife and of Bianca’s boyfriend.

Magiging mali iyon sa kanilang mga paningin.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama rito sa loob ng guest bedroom ng bahay naming mag-asawa at inilapag sa ibabaw ng desk kung saan ako nagtatrabaho ang aking phone.

Wala sa loob na napatingin ako sa birthday invitation card na nasa tabi ng aking nakabukas na laptop. Ibinigay ang card na iyon sa akin ng aking misis noong isang araw.

My wife told me na ibinigay iyon sa kanya ng aming kaibigang si Trina para sa nalalapit na birthday party ng anak nito at ng mister nitong si Zander na kaibigan din namin ng aking asawa.

Inabot ko ang card at binasa ang pangalang nakalagay doon.

Gino: Clarence Labides.

Parang kailan lang nang dapuan ng dengue ang batang iyon.

Hindi ko pa malalaman ang tungkol sa bagay na iyon kung hindi binanggit sa akin ng isa ko pang kaibigan na si Steven ang nangyari. Isa ito sa mga nilapitan ng mag-asawang Labides para humingi ng tulong sa pagpapagamot ng anak ng mga ito.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon