STEVEN's POV
Muli kong tiningnan ang aking mukha sa salamin at medyo gumaan na ang aking pakiramdam dahil tuluyan nang nawala ang pasa sa aking mukha rahil sa ginawang pagsuntok sa akin ng aking kaibigang si Rafael.
Noong isang araw ay pumunta ako sa bahay ng mag-asawang Rafael at Ayla para sana kumustahin ang aking best friend na si Ayla rahil hindi nito sinasagot ang aking mga tawag at messages para rito.
Ang kaso ay biglang dumating si Rafael mula sa trabaho at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong suntukin matapos niya akong makita sa labas ng gate ng kanilang bahay.
Nagulat ako sa ginawang pagsuntok sa akin ni Rafael at hindi ko napaghandaan iyon na naging sanhi para bumalandra ako sa sementadong lupa.
Nang tanungin ko si Rafael kung bakit nito ginawa iyon ay sinabi lamang nitong layuan ko na si Ayla.
Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang gate ng kanilang bahay at lumabas mula roon ang babaeng aking lihim na iniibig na si Ayla.
Agad na nataranta si Ayla nang makita ang bakas ng suntok sa aking mukha at akma ako nitong lalapitan nang bigla itong pigilan ni Rafael.
Binalaan ni Rafael si Ayla na kung lalapitan ako nito ay madadagdagan pa ang pasa sa aking mukha.
Nakita ko ang kaba sa mga mata ni Ayla pagkasabi niyon ni Rafael kaya naman nagsalita na ako.
Steven: Hindi ko alam kung ano ang problema mo, Rafael, pero nandito lang ako para kumustahin si Ayla. Wala naman sigurong masamang bisitahin ko ang aking kaibigan.
Nakita kong lalong nagdilim ang mukha ni Rafael.
Rafael: Kumustahin? Bisitahin? Bakit? May sakit ba si Ayla? At kung may sakit man siya, nandito ako para alagaan siya. Hindi mo kailangang pumunta pa rito para lamang makita siya.
Kumunot ang aking noo rahil sa sinabing iyon ni Rafael.
Steven: Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Raf? Dati naman akong pumupunta rito sa bahay ninyo para bisitahin si Ayla kahit nasa trabaho ka, pero hindi ka naman nagagalit.
Tumiim-bagang si Rafael at nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin.
Rafael: Never ka namang pumuntang mag-isa rito sa bahay noon. Madalas ay may kasama kang barkada natin. Pero ngayon ay mag-isa ka lang. Ano? Umaasa ka na baka makasalisi ka?!
Nanlaki ang aking mga mata rahil sa ibig ipahiwatig ni Rafael.
Narinig ko rin ang malakas na pagsinghap ni Ayla.
Ayla: Rafael!
Tiningnan ni Rafael si Ayla at nakita ko sa kanyang mga mata ang labis na galit.
Rafael: Ano?! Dismayado kang umuwi ako nang maaga?! Nanghihinayang ka ba rahil hindi kayo nagkatikiman ni Steven sa mismong pamamahay at kwarto natin?!
Biglang nagdilim ang aking paningin dahil sa sinabing iyon ni Rafael.
Ikinuyom ko ang aking dalawang palad at handa na sana akong suntukin si Rafael nang mabigla ako sa ginawa ni Ayla sa asawa nito.
Biglang umigkas ang kanang kamay ni Ayla at dumapo iyon sa kaliwang pisngi ni Rafael.
Ayla: Huwag mo akong bastusin!
Napatigil ako sa aking paglapit kay Rafael at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha rahil sa ginawang pagsampal sa kanya ni Ayla.
Ayla: Nang sabihin mong layuan ko si Steven, sinunod kita. Hindi ko sinagot ang mga tawag at mga mensahe niya para sa akin. Dahil ayokong sirain ang tiwala mo.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
General FictionPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...