GINO's POV
Inabangan ko ang pagbaba sa hagdan ng aking asawang si Misha bago ako pasimpleng tumabi sa aking hipag na si Marie na nakaupo sa couch na nasa living room. Nakita kong nagulat si Marie sa aking ginawa ngunit hindi ko pinansin ang pagkagulat nito at nakinood din ako sa video na nagpi-play sa screen ng cellphone nito.
Nang maramdaman kong malapit na ang presensya ni Misha sa aming dalawa ni Marie ay bahagya kong inilapit ang aking mga labi sa kanang tainga ni Marie at bumulong dito.
Gino: Ang bango mo naman ngayon.
Nahalata ko ang paninigas ng katawan ni Marie ngunit sandali lamang iyon at maya-maya ay ngumiti ito sa akin bago muling ibinalik ang atensyon nito sa video na halos isang oras na nitong pinanonood.
Pasimple kong tiningnan ang aking asawang si Misha at nang makita kong nakataas ang kanyang isang kilay ay napangisi ako ng lihim. Alam ko namang nagseselos siya sa nakikita niyang extra closeness namin ng aking hipag ngayon ngunit hindi niya gustong aminin iyon sa kanyang sarili.
Mula nang ipahiwatig sa akin ng aking hipag na gusto nitong may mangyari sa aming dalawa sa ibabaw ng kama ay naisip kong maaari ko iyong gamitin para makaganti sa ginagawang parusa sa akin ni Misha.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin gusto ni Misha na magtabi kaming dalawa sa kama kaya sa guest bedroom pa rin ako natutulog. Patuloy rin ang aking pag-order ng foods online dahil hindi ako kabilang sa mga ipinaglulutong pagkain ni Misha.
At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo ng aking asawa kahit na nga ba siya ang aking pinili sa bandang huli at hindi ako sumama sa aking naging babae.
Sa palagay ko ay sapat naman na ang mga parusang ibinigay sa akin ni Misha para pagbayaran ko ang aking nagawang pagtataksil sa kanya. Ngunit base sa aking nakikita ay mukhang wala talaga siyang balak na ayusin namin ang aming problema.
At naiinis ako na tinitiis ako ni Misha dahil sigurado naman akong mahal pa rin ako ng aking asawa.
Kaya naman para sa akin ay tama lang ang aking ginawang kunwariang pakikipagkasundo kay Marie noong nakaraang araw para pagselosin ang kapatid nito.
Sinabi ko kay Marie na may mangyayari lamang sa aming dalawa kung magagawa naming pagselosin ang kapatid nito na siyang aking misis. Kung hindi ay hanggang pangarap na lamang ang kagustuhan nitong magtalik kaming dalawa.
Agad namang pumayag si Marie ngunit wala itong kaide-ideya na wala akong balak na tuparin ang usapan naming iyon. Dahil oras na mapatunayan kong mahal pa rin ako ng aking asawa ay lalayuan ko na si Marie.
Alam kong hindi maganda ang aking paraan para patunayang mahal pa rin ako ni Misha. Ngunit wala na akong maisip na ibang paraan para mapagtanto ni Misha na kailangan niya pa rin ako sa kanyang buhay at sa buhay ng aming mga anak.
Nasisiguro kong muli akong tinanggap ni Misha rito sa aming bahay dahil may nararamdaman pa rin siya sa akin at hindi totoong napipilitan lamang siya na pakisamahan ako dahil hindi niya gustong masaktan ang aming kambal na supling.
(For Revision)
----------
BIANCA's POV
(For Revision)
----------
RAFAEL's POV
(For Revision)
----------
to be continued...
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
Fiksi UmumPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...