CHAPTER 16

159 3 0
                                    

AYLA's POV

Ngumiti at nagpasalamat ako sa aking kaibigang si Misha matapos niyang ilapag sa ibabaw ng maliit na coffee table sa kanilang garden ang isang baso ng lemon juice at isang plato na may mga empanada bago siya umupo sa katapat na rattan wicker chair ng aking inuupuan.

Narito ako sa bahay ng mag-asawang Misha at Gino ngayon para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam dahil kung magpapatuloy ako sa pagmumukmok sa aming bahay ng aking asawang si Rafael ay baka hindi na kayanin ng aking mental health.

Kahit saan ako tumingin sa bawat sulok ng aming bahay ni Rafael ay naaalala ko lamang ang cold treatment na aking natatanggap mula rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo ni Rafael na mas lumala pa rahil sa nangyaring gulo sa pagitan nilang dalawa ng aking best friend na si Steven.

Kakausapin lamang ako ni Rafael kapag may itatanong ito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa bahay namin o hindi kaya ay tungkol sa mga bill na kailangang bayaran at kung minsan ay pagalit pa ang paraan ng pakikipag-usap nito sa akin.

At bago pumasok sa trabaho ay laging ipinapaalala sa akin ni Rafael na hindi rapat ako makipagkita kay Steven kung gusto kong huwag itong magalit at baka muli raw nitong masaktan ang aking matalik na kaibigan.

Hindi ko pa rin maintindihan kung saan nanggaling ang akusasyon ni Rafael na may affair kami ni Steven gayong kahit kailan ay hindi naman ako nagkaroon ng romantic feelings for Steven and I'm sure na kahit si Steven ay walang anumang nararamdaman para sa akin na higit pa sa pagiging isang kaibigan.

What Steven and I have is only a platonic relationship.

Dati pa naman kaming sobrang close ni Steven sa isa't isa kahit bago ko pa makilala si Rafael dahil si Steven ang aking nag-iisang guy best friend. Pinagkakatiwalaan ko si Steven sa lahat ng bagay at ganoon din ito sa akin.

Nagkaroon man kami ng mga bagong kaibigan at kakilala ni Steven ay hindi nabawasan ang aming closeness maliban na lamang noong naging boyfriend ko na si Rafael. Na-appreciate ko na nirespeto ni Steven ang aking boyfriend sa pamamagitan nang pagbibigay ng oras at space na para sa aming dalawa lamang ni Rafael.

Ngunit kahit may mga araw na hindi kami nagkikita ni Steven dati ay hindi pa rin nawala iyong pakiramdam na palagi itong nariyan para sa akin. Sinusulit ni Steven ang mga oras na pwede kaming magkasama kasama ang aming barkada sa pamamagitan ng panlilibre nito sa akin ng mga pagkain at kadalasan ay naroon ito sa mga sinasalihan kong event sa university namin para magpakita ng suporta.

Dahil doon kaya kahit may mga araw na hindi ko nakikita ng personal si Steven ay nararamdaman ko pa rin ang presence nito.

Siguro rahil alam ko sa aking sarili na kahit wala si Steven sa aking tabi personally ay alam kong hindi ako nawawala sa isipan nito.

Dahil ganoon naman ang matalik na magkaibigan. Hindi man madalas magkita ng personal, but deep inside they care for each other. At minsan sapat na ang kaalamang someone cares for us para maramdamang nasa tabi natin ang taong iyon.

At hindi nagbago ang pakiramdam kong iyon sa aking kaibigang si Steven kahit naging asawa ko na si Rafael. Alam kong nandiyan lang palagi si Steven para sa akin kahit anong mangyari at hinding-hindi ako nito iiwan.

And all throughout these past few years ay hindi naman nagparamdam si Rafael na may issue ito sa pagkakaibigan naming dalawa ni Steven.

That's why I don't have any idea where Rafael's accusation of me having an affair with Steven came from.

Walang ibang nakakaalam ng problema naming ito ni Rafael except Steven and Misha.

Well, nalaman lang naman ni Steven dahil nga sa nangyaring gulo sa pagitan nilang dalawa ni Rafael.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon