STEVEN's POV
Muli kong tiningnan ang aking phone para malaman kung may reply na ba si Ayla sa aking mga message sa kanya.
Argh!
What's the problem with Ayla?
Bakit hindi sinasagot ni Ayla ang aking mga tawag sa kanya at bakit hindi rin siya nagre-reply sa aking text messages?
Ang huling beses na nakita ko si Ayla ay noong araw na naroon kaming buong barkada sa bahay ng mag-asawang Gino at Misha na pareho naming kaibigan ni Ayla.
But, of course, hindi ko naman nakausap si Ayla roon dahil mas naka-focus kami sa cheating issue ni Gino.
I still can't believe that Gino cheated on Misha.
I witnessed how Gino changed from being a playboy to a faithful boyfriend and eventually a faithful husband to Misha.
But I heard Gino's side at aminin ko man o hindi, I really can't judge him.
Si Gino lang ang nakakaalam sa totoong nararamdaman nito para sa babae nito.
Kung totoo nga ang sinasabi ni Gino na pinupunan ng babaeng iyon ang dating void na nasa sistema nito, na tingin ni Gino ay soulmate nito ang babae, well, sino ba naman ako para husgahan si Gino?
Hindi ba ay madalas namang ginagawa ng mga tao kung ano ang tingin nilang makapagpapasaya sa kanila?
Ang mali lamang sa sitwasyon ni Gino ay kasal na ito kay Misha at may dalawa silang anak.
Naniniwala pa rin akong isang sagradong bagay ang kasal at sinumang sumumpa sa harap ng altar na magiging matapat sila sa kanilang mga asawa sa buong panahon ng kanilang pagsasama ay kailangang tuparin iyon.
Alam kong hindi madali ang sitwasyon ng aking kaibigang si Gino ngayon.
Gusto kong matuwa nang sabihin sa akin ni Gino na tatapusin na nito ang bawal na relasyon nito sa babae nito. Ngunit sinabi rin sa akin ni Gino na mahal na nito ang babae kaya alam kong hindi magiging madali ito para kay Gino.
Muli na namang bumalik sa aking isipan ang aking best friend na si Ayla na matagal ko nang lihim na iniibig.
Noong huli kaming mag-usap ay umiiyak si Ayla rahil ilang araw na siyang hindi kinikibo ng kanyang asawang si Rafael na parte rin ng aming barkada.
Katulad nang dati ay isa akong dakilang shoulder to cry on para kay Ayla.
Literal na shoulder to cry on.
Pinaglalabasan ng mga luha ni Ayla at ng kanyang mga hinaing sa buhay.
Ang pinakamamahal at pinakapinagkakatiwalaang best friend ni Ayla.
Best friend.
Oo.
Matalik na kaibigan.
Ang saklap ng buhay.
Well, wala namang problema sa akin iyon kung iyon ay isang paraan para makasama ko ang babaeng matagal ko nang inaalagaan sa aking puso.
Pero nag-aalala ako rahil pagkatapos nang huli naming pag-uusap ni Ayla kung saan umiiyak siya nang dahil kay Rafael ay hindi na siyang muling nakipagkita sa akin matapos niyang makipagkita sa akin nang limang sunud-sunod na gabi.
Maliban doon ay hindi pa sinasagot ni Ayla ang aking mga tawag at hindi rin ako nakatatanggap ng kahit anong mensahe mula sa kanya.
Iniisip ko ngayon kung lumala ba ang problema sa pagitan nina Ayla at ng kanyang asawang si Rafael.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
General FictionPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...