CHAPTER 6

428 5 2
                                    

THIRD PERSON POV

Sa isang madilim na hotel room ay magkayakap ang isang lalaki at isang babae. Ninanamnam ang init ng katawan ng bawat isa.

Parehong hubo't hubad ang magkalaguyo habang magkayakap at nakatayo sa tabi ng bintana. Ang ulo ng babae ay nakasandal sa matikas na dibdib ng lalaki.

Nagkakaroon man ng problema ang mga tao sa paligid nilang dalawa ngayon ay hindi iyon naging hadlang para maging masaya ang dalawa sa piling ng bawat isa.

Bawat sandaling kanilang pinagsasaluhan ay sinisigurado nilang magiging masaya sila.

----------

DIVA's POV

Katatapos lang naming mag-video call ng akong boyfriend na si Jackson at ngayon ay nakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama. Sinusubukang makatulog.

Napailing ako.

Hindi ko mapigilang mag-alala para sa aking dalawang kaibigan. Sina Misha at Gino.

Kahapon ay nakumpirma ng aking kaibigang si Misha na may babae ang asawa nitong si Gino.

Nitong mga nakalipas na araw ay naghihinala na si Misha sa mga pagbabagong nakikita kay Gino. Madalas itong nagsasabing mag-o-overtime at madalas ay madaling-araw nang umuuwi.

Napapadalas din ang biglaang pag-alis ni Gino tuwing weekend dahil sa trabaho na hindi naman nito ginagawa rati. Kaya naman madalas nang magtampo kay Gino ang kambal na mga anak nila ni Misha rahil halos wala na itong oras para sa dalawang anak.

Madalas ding may kausap si Gino tuwing dis-oras ng gabi at nalalaman iyon ni Misha sa tuwing naaalimpungatan ito at makikitang wala sa tabi nito sa kama ang mister.

Madalas ay sa kusina ng kanilang malaking bahay nahuhuli ni Misha ang asawang si Gino na may kausap sa phone. Sinasabi naman ni Gino na tungkol sa trabaho lamang iyon.

Pero noong isang araw ay talagang nanghina si Misha nang may matuklasan mula kay Bryce, ang boyfriend ng aking best friend na si Bianca.

Si Bianca ay aking best friend since Elementary days namin.

Noong Second Year High School kami naging parte ng isang malaking barkada kung saan nakilala namin sina Steven, Ayla, Gabriel, Misha, Trina, at Zander. And eventually naging part din ng barkada sina Gino at Rafael.

Magkaibang-magkaiba kami ni Bianca pero hindi namin alam kung bakit nagkasundo kami sa unang pagkikita pa lang namin.

Mayaman si Bianca. Ang ama nito ay nagmamay-ari ng isang dairy farm sa Australia.

Madalas na lumalagi sa Australia ang ama ni Bianca rahil sa trabaho habang si Bianca at ang ina nito ay pumupunta ng Australia tuwing summer vacation.

Ngayong graduate na si Bianca ay hindi na talaga ito nagpupunta sa Australia para makasama ang ama at alam na alam ng buong barkada kung ano ang totoong dahilan.

Nang matuklasan ng ina ni Bianca na may ibang babae ang ama ni Bianca sa ibang bansa ay nagtanim ng galit si Bianca sa ama nito. Natuklasan ng ina ni Bianca iyon ilang araw bago ang graduation ni Bianca sa kolehiyo.

Umiyak nang umiyak si Bianca sa akin nang panahong iyon at naglabas din ito ng sama ng loob sa buong barkada.

Umuwi ng Pilipinas ang ama ni Bianca galing Australia para um-attend sa College graduation ng anak pero tulad nang inaasahan naming magbabarkada ay pinili ni Bianca na hindi magmartsa sa graduation nito bilang parte ng pagrerebelde sa ama nito.

Ipinagtabuyan ni Bianca at ng ina nito ang ama at isinumpa ni Bianca na kapag nagpakita pa ang ama nito sa kanilang mag-ina ay magpapakamatay ito.

Mula noon ay hindi na nagpakita kailanman ang ama ni Bianca sa kanilang mag-ina.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon