THIRD PERSON POV
Tahimik ang hallway sa ikalawang palapag ng hotel na iyon. Ang bawat hakbang ng babae ay may sariling ritmo sa carpeted floor.
Sa kanyang puso ay sabay niyang nararamdaman ang kasabikan at pagkabahala. Alam niyang hindi dapat siya naroon sa lugar na iyon ngunit nais niyang pagbigyan ang kanyang sarili na makasama ang lalaking matagal nang hindi nakikita.
Ang lalaking matagal na niyang hindi nakakaulayaw.
Nang pumasok siya sa loob ng isang kwarto gamit ang hawak na hotel key card ay agad na sumalubong sa kanya ang lamig ng air conditioner sa loob ng malawak na silid. Ngunit kahit anong lamig ng paligid ay hindi nakatulong para humupa ang init na nararamdaman ng kanyang katawan.
Ang liwanag mula sa city skyline ay tumatagos sa malaking bintana ng kwarto at bumabagsak sa sahig na nagdudulot ng intimate ambiance sa bawat sulok ng silid na iyon. Sa kaunting ilaw na pumupuno sa malawak na espasyo ay makikita ang lalaking nakaupo sa isang bahagi ng silid.
Nang masilayan ng babae ang mukha ng lalaki ay dahan-dahan siyang lumakad patungo sa bedside table nang hindi inaalis ang pagkakatitig ng kanyang mga mata sa gwapong hitsura ng lalaki. Dahan-dahan niyang inilapag ang malaking wallet sa ibabaw ng bedside table kasama ang hotel key card.
Babae: Hindi ka ba natatakot?
Mababa ang boses ng babae at may bahid ng panganib nang itanong ang mga katagang iyon sa lalaki.
Isang nakakalokong ngiti ang iginawad ng lalaki sa babae. Nasilip ng babae ang tapang sa mga mata ng lalaki habang nararamdaman niya ang bahagyang panginginig ng kanyang katawan dahil sa labis na kasabikan sa taong kaharap.
Lalaki: Natatakot? At bakit ako makararamdam ng takot?
Mula sa isang nakakalokong ngiti ay naging mapanganib ang ekspresyong nakabalatay sa mukha ng lalaki.
Sa mata ng mga lalaki ay kumikislap ang isang hamon na alam niyang tatanggapin ng babae.
Lalaki: Hindi ba ay dapat ikaw ang matakot sa mga gagawin ko sa iyo sa apat na sulok ng kwartong ito?
Tumayo ang lalaki at dahan-dahan siyang lumapit sa babae na nanatiling nakatayo sa gilid ng malaking kama.
Bawat hakbang ng lalaki ay parang musika sa pandinig ng babae sa loob ng tahimik na silid na iyon. Nakatitig sa mga mata ng lalaki ang babae habang lumiliit ang distansya sa kanilang pagitan.
Nang huminto sa kanyang likuran ang lalaki ay ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kahit nababalutan pa iyon ng saplot. Ang mainit na hininga nito ay magaang humahaplos sa kanyang batok.
Halos mapaliyad ang babae nang maramdaman ang katawan ng lalaki na dumikit sa kanyang likuran. Nararamdam niya ang bawat kalamnan sa ilalim ng damit nito.
Halos mapasinghap ang babae nang maramdaman ang matigas na bukol na tumatama sa kanyang likuran. Nang kusang gumalaw ang bukol na iyon ay parang may kung anong init na gumapang mula sa tiyan ng babae patungo sa kanyang hiyas.
Nang maramdaman ng babae ang paghawak ng dalawang kamay ng lalaki sa kanyang baywang ay parang mas uminit pa ang paligid sa kanyang palagay. Nakapikit na tumingala siya sa kisame ng kwarto habang humihimas ang mainit na mga palad ng lalaki sa kanyang baywang patungo sa kanyang pigi.
Damang-dama ng babae ang bawat haplos, himas, at pisil na ginagawa ng lalaki sa kanyang katawan. Ang pagtibok ng kanyang puso ay mas tumitindi dahil sa iginagawad na masarap na paglalandas ng mga kamay ng lalaki sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone...
General FictionPaninira. Pagsisinungaling. Pagnanasa. Pagtataksil. Ang magiging ugat ng pagkakawatak-watak ng dating matibay na samahan. Mabubuo pa kaya ang dating pagkakaibigan? Samahan sina STEVEN, AYLA, BIANCA, DIVA, GABRIEL, GINO, MISHA, RAFAEL, TRINA, at ZAND...
