CHAPTER 7

291 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nakangiting nakaharap sa kanilang reflection sa salamin ng banyo ng hotel room na iyon ang magkalaguyo habang nakayakap mula sa likuran ng babae ang lalaki at nakapatong naman sa kanang balikat ng babae ang baba ng lalaki.

Hinihimas ng lalaki ang tiyan ng babae. Umaasang may laman na iyon na bunga ng kanilang kataksilan.

----------

MISHA's POV

May lungkot sa aking mga mata habang pinapanood ang pag-akyat sa hagdan ng aking kambal na anak.

They have no idea.

Ako na nga ang niloko ng kanilang ama pero kailangan ko pa ring pagtakpan ang kawalanghiyaan nito sa aming mga anak para lamang hindi mag-alala ang mga ito.

Hindi ganoon kadaling ipaliwanag sa aming mga anak ni Gino na nambababae ang kanilang ama nang halos tatlong taon, na halos tatlong taon na akong pinagmumukhang mangmang ng kanilang ama, na halos tatlong taon nang may nakikihati sa atensyon ng kanilang ama mula sa amin.

I still can't believe that Gino did this to me.

Wala na 'yong Gino na nakilala ko when we were in High School.

Yes, he was a playboy and a cheater back then, pero nagbago na ito nang maging magkarelasyon kami. Witness ang aming buong barkada sa malaking pagbabago kay Gino.

Mula nang maging kami ni Gino ay iniwasan na nito ang advances ng ibang babae. Mula High School hanggang College ay wala akong nabalitaang naging babae nito.

Hanggang sa magkaroon kami ng trabaho at magpakasal ay wala akong nakitang signs na nagloloko si Gino sa akin.

Nang magbuntis ako sa aming kambal ni Gino na sina Riyo at Riya ay hindi ko ito nakitaan ng mga senyales na may babae ito. Laging nakaalalay sa akin si Gino sa buong panahon na ako ay nagbubuntis.

Kaya naman naguguluhan ako kung bakit sa lahat ng panahong mambababae si Gino ay bakit ngayon pa kung kailan nag-aaral na ang mga anak namin at marunong nang makaintindi.

Well, in the first place, Gino shouldn't have cheated on me. That isn't what husbands should do once they get married.

Married men are supposed to be faithful and loyal to their wives. They made vows in front of Him na kailangan nilang tuparin.

But maybe not all men are cut to be faithful to their wives. And Gino is one of them.

That bastard Gino. I trusted him.

Maybe I was too gullible to fall for Gino's lies. I was too naive to believe that I could change a cheater.

But thank goodness woman intuition never fails married women.

Nagsimula akong maghinala na may kakaibang ginagawa si Gino rahil sa kanyang mga sunud-sunod na overtime sa trabaho at madalas na pag-alis tuwing weekend dahil din sa trabaho. Maliban doon ay madalas pa siyang umuwi ng madaling-araw.

Hindi ko sana gustong pagdudahan ang mga iyon pero nahuhuli ko rin si Gino na may kausap sa phone nito nang dis-oras ng gabi at madalas ay sa kusina ng aming malaking bahay ko itong nahuhuling may kausap.

Ang mali ko lang siguro ay hindi ko inaksyunan ang aking pagdududa. Because there still was a small part in me that believed Gino would never cheat on me.

Thank goodness at nakasalubong ko ang isa sa mga staff ni Gino last week at hindi na napatagal pa ang panloloko nito sa akin.

Salamat kay Bryce at aking nalaman na may basehan ang aking mga pagdududa kay Gino.

You Are Not Alone...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon