Chapter 30

18 1 0
                                    

                                         Kᴇʜʟᴀɴɪ's  Pᴏᴠ

It's been almost a month na palaging may nagpapadala sa akin ng bouquet ng bulaklak with chocolates at may presents pa para kay Zion ngunit walang pangalang nakalagay kung kanino galing. 
Nagtataka ako kung sino ang nagbibigay ng mga to baka naman masamang tao pala pero di ko naman tinatapon  sayang rin naman at mukhang mamahalin kaya tinatanggap ko nalang.
Ngayon may nagbigay nanaman sakin bouquet ng red roses at ganun parin hindi sinabi kung kanino galing ngunit may pink na papel na nakadikit sa bouquet na may nakasulat na:   𝐌𝐞𝐞𝐭 𝐦𝐞 𝐭𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰 6:00𝐩𝐦 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐬𝐞𝐰𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐢𝐠𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐝𝐞𝐥 𝐁𝐨𝐬𝐜𝐨 𝐡𝐨𝐭𝐞𝐥 𝐚𝐭 7𝐭𝐡 𝐟𝐥𝐨𝐨𝐫 𝐫𝐨𝐨𝐦 𝐧𝐨. 102.

Nandito ako ngayon sa coffee shop kasama sina Gwen at nandito rin si Ate Karla si Zion ay nasa school pa.
"Napaka mysterious naman ng secret admirer mo na yan may pa meet me meet me pang nalalaman" -Gwen

"Pupunnta ka ba paano kung masamang tao pala yan?" - Karla.

"Pag-iisipan ko pa" - Kehlani.

"Aba dapat lang pag-isipan mo, pero kung ako sayo puntahan mo baka naman pogi yan o di kaya mayaman" Gwen.

"Ano kaba magseryoso ka nga wag mong igaya si Lani sayo" Saad ni Ate Karla sabay hampas sa braso  ni Gwen.

"Aray ito naman di mabiro" saad ni Gwen.

"Pero kung gusto mo talagang malaman kung sino yan pwede ka namang pumunta basta mag-iingat ka lang" -Karla.

"Puntahan mo nalang ako mag-aayos sayo" -Saad ni Gwen na nakangisi.

"Tumahimik ka nga diyan hindi date ang pupuntahan niya makikipagkita lang" -Karla

"Parehas lang yun anong purpose ng flowers kung hindi manliligaw" -Gwen.

"Buo na ang desisyon ko pupunta ako gusto kong ring malaman kung sino siya" Kehlani.

"Teka di kaya yung boss mo ang nagbibigay niyan tingin ko may gusto yun sayo" - Gwen.

"Diba Kevin pangalan nun?!" -Karla.

"Oo" -Kehlani.

"Alam mo bet ko yun para sayo kase hindi lang gwapo at mayaman mabait pa" -Gwen.

             Fast forward

Hinatid ako nina Atr Karla at Gwen sa isang taxi na maghahatid saakin papunta sa hotel na nakalagay sa sulat. Nakasuot ako ng black dress, black heels at black di ang purse ko dahil favorite color ko ang black.

Makalipas ang mahigit isang oras ay huminto na ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng hotel pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako. Nasa tapat na ako ng  𝐑𝐨𝐬𝐞𝐰𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐢𝐠𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐝𝐞𝐥 𝐁𝐨𝐬𝐜𝐨 𝐡𝐨𝐭𝐞𝐥 at sobra akong namangha dahil sa sobrang  ganda at lawak nito  talagang mga mayayaman lang ang makakaafford dito.

Agad kong tinungo ang 7th floor hinanap ko ang room no.102. Nasa tapat na ako ng pintuan ng room no.102 nagdadalawang isip akong pumasok huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob dahil hindi ito nakalock.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang madilim na silid ngunit biglang lumiwanag ang silid dahil sa mga makukulay na ilaw na parang christmas lights  nasilayan ko na ang malawak na silid at ang magagandang dekorasyon.

Tinungo ko ang bilog na mesa na binabalot ng kulay asul na tela at may flower vase sa ibabaw, may wine at mga sosyal na pakaing nakalapag rito at may dalang upuan na parang inilaan sa dalawang tao lamang na mukhang dinner date. Linibot ko ang paningin sa silid ng mapagtanto kong walang tao dahil baka niloloko lang ako.

"Do you like it?" Pamilyar na boses na nanggagaling sa likuran ko at agad akong lumingon upang makita kung sino.

Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng makita kung sino  ang naka crossed arm na nakasandal sa pader.

Ikaw?!!! -galit kong saad.
Bakit ka nandito anong ginagawa mo dito?!!! - nanginginig kong saad dahil sa kaba.

"This is my place that's why I'm here" - saad niya at humakbang papalapit sa akin.

Raped by the Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now