Eʀʀᴏʀs Aʜᴇᴀᴅ
>Fast Forward<
Weeks had passedSunday ngayon at walang trabaho kaya ipapasyal ko ang anak ko kasama ko rin si Gwen wala naman siyang jowa kaya free siya. Kumain kami sa restaurant at pumunta sa park kumain ng icecream, nagshopping at naglaro ng arcade at iba pa.
Pagkatapos naming namasyal ay nagpaalam ako na may pupuntahan lang, nauna ng umuwi si Gwen kasama si Zion sa bahay raw kase siya matutulog. Nandito na ako sa tapat ng company niya kase napagdesisyunan ko na papayag na akong ipakilala siya kay Zion. Matagal narin siyang hindi nagpaparamdam simula nung naaksidente siya.
Lalakasan ko na ang loob ko, nandito kana Kehlani wala ng atrasan. Naglakas loob akong lumapit upang pumasok sa company niya ngunit hinarang ako ng guard.
Sorry miss pero bawal po kayong pumasok wala naman kayong appointment dito" saad ng guard.
"Ahh ganun ba, pero may itatanong lang po sana ako kung nandiyan ba ang CEO?" Tanong ko.
"Hindi pa po siya pumapasok hanggang ngayon" -Kuya guard.
"Ganun ba, sige salamat po alis na po ako" Pagpapaalam ko.
"So hindi parin siya pumapasok sa trabaho hanggang ngayon?! Di kaya may masamang nangyari sa kaniya? Hindi rin naman cguro." bulong ko sa sarili
Di ko rin natanong kay Gwen ang tungkol sa kaniya nakakahiya kase. Nabalik ako sa wisyo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako naglalakad habang kinakausap ang sarili.
"Naku paano nato wala akong dalang payong tanging sling bag lang ang dala ko medyo malayo narin ang mga tindahan dito at madilim narin ang paligid. May mga bahay naman pero wala naman akong kakilala rito.
Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit nababasa na ako ng ulan nagbabasakaling may dumaan na taxi. May narinig akong sasakyan na paparating kaya nilingon ko ito baka sakaling pwedeng makahitch.
Huminto naman sa tapat ko ang isang itim na bigbike, tinanggal ng driver ang suot niyang helmet.
Nanlaki ang mga mata ng makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kaniya ang lakas ng dating niya.Ang astig niyang tignan kulay itim lahat ng suot pati ang leather jacket niya, diko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
"Wanna ride?" Bigla akong nabalik sa ulirat at nagsimulang maglakad papalayo ngunit hinarang niya ako habang nakasakay parin siya sa bigbike niya. Lumihis ako sa kabilang daan ngunit hinarang nanaman niya ako, pareho na kaming basang basa ng ulan ngayon.
"Stop being so hardheaded Kehlani sumakay ka nalang kase" Reklamo niya.
"Salamat nalang, pwede ba iwan mona ako diko kailangan ng tulong mo" pagmamaldita ko at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit bigla niya akong binuhat at pinaupo sa bigbike niya at agad na pinaandar upang hindi ako makaalis.
"Kumapit ka kung ayaw mong mahulog" rinig kong sabi niya bago binilisan ang magmamaneho. Parang humiwalay na ang kaluluwa ko sa bilis ng pagpapatakbo niya kaya napayakap ako ng mahigpit sa kaniya dahil sa bilis ng takbo baka mahulog ako kahit labag ito sa kalooban ko.
YOU ARE READING
Raped by the Ruthless Billionaire
RomanceA beautiful and innocent maiden named Kehlani Ramirez was working as a servant of the Loski family to provide and sustain her daily needs but one day the ruthless and arrogant drop dead gorgeous heir of the Loski family arrived at the mansion after...