Chapter 4
Dinner nang inaya ako ni Archer na sumabay sa kanilang dalawa ni Ariviel kumain.
Matapos niyang humingi ng tawad ay iniwan ko siya roon sa dalampasigan. Nakakatawa nga't hindi niya man lang alam kung bakit siya humihingi ng tawad.
Ayoko na ring bumalik sa kanya. He's too dangerous, baka kapag nagpahulog na naman ako ay ikakamatay ko na iyon kung sakali mang iwan niya ako ulit.
Our past will remain as memories. At hanggang doon na lang iyon.
Pilit akong tumanggi kay Archer pero dahil wala din naman akong magagawa sa kakapilit nito ay pumayag na lang din ako.
"Hindi mo na kailangang iwasan si kuya, Zhari. Nakapag move on ka naman siguro, hindi ba?" he said smirking. Tumaas- baba pa ang kilay nito.
Kung kapatid ko lang talaga 'to matagal ko na itong binatukan.
Kaya nga ako umiiwas kasi hindi pa ako totally nakapagmove on!
Pero hindi ko na 'yon sinabi. Hell, no way I would admit that.
Nasa isang Italian restaurant kami kumain. Kung wala lang dito si Archer malamang napaka awkward na ng atmosphere.
"You gotta be kidding me." si Archer nang sagutin ko ang tanong nito.
Hindi ko alam pero paulit-ulit lang ang tanong niya. Kung bakit hindi na ako in a relationship ngayon, at kung bakit mas pinili kong ibasted ang mga nanliligaw sa akin.
Umirap ako dahil sa mga pinagsasabi nito.
Unlike Ariviel, Archer is a bit cheerful. Maingay at makulit. Hindi rin nagkakalayo ang edad naming dalawa dahil isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya.
Si Lazaro? Tss, kahit gano'n yun kapogi malapit na yung tumanda. Twenty-nine na!
Ayy juskooo! Pati edad alam na alam ko pa din.
Kaharap ko silang dalawa. Habang si Archer dada ng dada, si Ariviel naman ay tahimik lang. Minsan pa'y nahuhuli kong napapasulyap sa gawi ko tuwing sinasagot ko ang mga tanong ng kapatid nito.
"Kaya ka ba hindi nag- eentertain kasi hindi ka pa nakapagmove on?" Archer asked innocently pero alam kong sinadya niyang tanungin iyon!
'Yan ba ang pinunta niya dito, ang kulitan ako sa lovelife ko?
I turn my gaze to Ariviel. His brow shot up. May multo itong ngiti sa labi pero agad niya iyon pinalitan ng blangkong ekspresyon.
Tumikhim ako at tumawa ng bahaw para maibsan ang namumuong katahimikan.
Mas lalo pang lumaki ang ngisi ni Archer.
Punyetang batang 'to! Masasabunutan ko talaga siya wala sa oras.
"Ang dami mong alam!" tanging nasabi ko at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Sinimangutan ako nito na parang dismayado sa naging sagot ko.
Kita ko naman ang pagnguso ni Ariviel.
Nang matapos ay nagpaalam na ako na magpalahinga na. Sumakay ako ng elevator pero hindi na ako nagulat nang sumabay din sa akin si Ariviel.
Ang masama pa do'n ay kami lang dalawa ang nasa loob.
Tangina.
He keep on staring at me. Ramdam ko iyon kaya nga naiilang na ako.
Nasa parehong floor kami kaya ko na lang din siyang nakasunod sa likuran ko.
I'm now in front of my suite but I can still feel his presence behind kaya hinarap ko na siya.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Ficción General[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
