Chapter 5

199 18 3
                                        

I just want to say thank you sa mga nagbabasa nito. I really, really appreciate it. ^^

Anyway, enjoy reading!



Chapter 5

I went to Andrei's office the next day. Nadatnan ko siyang nakatingin sa screen ng laptop bago ako binalingan.

"Busy ka?" I asked.

Umiling naman siya. "Kung may kailangan ka pwede mo naman sabihin through call."

Inirapan ko siya.

"Nandito na ako , babalik pa ba ako?" I spat.

He just laughed at my remarked.

"Nga pala, anong meron sa inyo ni Ariviel?"

"'Wag kang ano dyan. Straight ako." he said, brows almost met.

"Baliw. That's not what I meant!" I said frustratedly. "What I mean is bakit kayo nag-uusap? You know that he's my ex-boyfriend."

Baka ang hindi ko alam ay ako na pala ang pinag-uusapan nila. Shocks, mga backstabber!

"It's all about business, Zhari. Nagco-conclude ka na naman. Alam na alam ko talaga 'yang takbo ng utak mo." he hissed and stood up. Naupo siya sa sofa kaya sumunod ako at naupo rin doon kaharap niya.

I looked at him pouting.

His one brow raised. "What now?"

"I need your expertise." I said seriously. "Recommend me a good engineer. You already know about my plans for Villa Hotel, so since--" agad na nabitin sa ere ang mga salita ko nang magsalita ito.

"You're ex-boyfriend." he snapped and chuckled a bit.

Mariin akong napapikit.

Tangina. Kaya nga nagpaparecommend ako ng iba kasi ayaw ko sa kanya.

"He's really good. Actually, siya rin ang engineer para sa mga renovation ko dito sa Hotel." he said. "Napaka hands-on niya so, I think walang magiging problema."

Seryoso ba siya?

"May problema. He's my ex-boyfriend for pete's sake, Drei." gulantang ko.

He rolled his eyes. "There's nothing wrong with that, unless kung isasama mo yung personal issues niyo sa trabaho."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may pumasok.

Iniluwa niyon si Jasper.

"OMG ka Zhari! Hindi mo man lang ako in-inform na nandito ka, kung hindi ko pa malalaman..."

She's wearing a pink coat and pink pencil cut skirt. Mukhang galing ata siya sa isang meeting base sa mga dala nito.

"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" I asked out of curiosity.

"Hindi na importante 'yon."

Sino ba kasi ang source neto?

"Guess what? May nakasalamuha ako sa lobby. Papunta na siguro iyon dito." dagdag niya na nagpakunot ng noo ko.

I turn my gaze to Andrei pero mukhang pati siya ay wala ring alam sa kung sino man iyon.

Before I could think who is that person the door already opened.

Ariviel in his navy blue longsleeve polo and black slacks entered the office hotly.

His eyes locked with mine. My heart beat went crazy.

I really hate the way my heart reacts. Because I already know the reason.

Kung noon ay natanggap ko iyon pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pa iyon tanggapin ng buo.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon