Chapter 8

173 15 1
                                        

Chapter 8


Pumasok ako sa loob ng room na sabog. Late na ako ng five minutes pero sinuwerte lang din ako dahil hindi pa dumadating ang first sub namin.

Lutang akong naupo sa upuan ko. Hindi man lang ako nakatulog nang maayos dahil kay Aris!

Mabuti na lang hindi pa ngayon ang araw na magsisimula siyang magturo sa amin.

Gosh, hindi man lang ako nakapag-ayos.


"What happen to my besprennnn?" gulantang ni Jasper.

Sinimangutan ko lang siya. Sinubsob ko ang ang mukha sa lamesa.

Hindi lang talaga mawala-wala sa utak ko ang ang huling  pag-uusap namin ni Aris. Nasabihan ko siya ng masungit kahit na hindi ko naman intensyon iyon na iparinig sa kaniya.

Ano na lang and isipin no'n? Malamang matu-turn off na 'yon sa akin panigurado.

Inis akong napasandal sa upuan at hinilamos ang palad sa mukha sa sobrang frustration .

First interaction namin 'yon tapos gano'n pa ang maririnig mula sa akin.

"Ang bobo mo kasi." I said frustratedly, pertaining to myself.

"Problema mo sis?" si Jasper habang nakakunot ang noo.

"Badtrip ako. " saad ko habang nakanguso. Hinipan ko ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

Tingnan mo 'tong ginawa mo sa 'kin Aris! Kahit ang pagsuklay ng buhok ay hindi ko man lang nagawa.

"Bakit ka nga badtrip? May nangyari ba o ano?" alala nitong tanong.


Mas lalo lang Humaba ang nguso ko. "Naturn-off na sa akin ang crushiecakes ko."

"Si Aris ba? Ano palang nangyari?"

Good thing, wala pa ring lecturer na pumapasok kaya naikwento ko sa kaniya ang huling nangyari bago ako umuwi.

Maagap niya akong binatukan. "Gaga ka! Hindi 'yon 'no. Ang lala mo mag-overthink."

I scoffed and rolled my eyes. "Paano mo naman nalaman na hindi nga iyon naturn-off, ha?"

"Basta! Instinct ko lang." siya na naexcite kalaunan.

"Ang importante naman ay siya na ang magtuturo ng physics sa atin!"

Nasabi ko na iyon sa group chat namin kaya alam na ng mga kaklase ko. Gusto ko mang maexcite pero nababadtrip lang ako kapag naaalala ko ang huling nangyari.

Nang magsimula ang klase ay lutang lang ako buong magdamag.

Mabuti na lang wala kaming recitation at quizzes dahil wala talaga sa akin ang utak ko. Mukhang lumilipad na siya!

Wala man lang pumapasok sa utak ko kahit ni isang lesson.

"Zhari. For you." Spencer approached me with a smile plastered on his lips. He handed me two yakults.


Dahil na rin sa kalutangan Hindu man lang ako nakangiti pabalik.


"Salamat ." wala sa sariling sambit ko at nilagpasan siya matapos tanggapin ang yakult.


As usual, pupunta kami ngayon ni Jasper sa medicine building para sabayan si Caitlin sa paglunch.

Sabog kong binalingan si Jasper at Caitlin ng tingin. Binigay ko sa kanila ang yakult na binigay sa akin ni Spencer.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon