Chapter 10

158 15 1
                                        

Chapter 10




Magkatabi kaming nakaupo sa kulay tsokolate at parihabang mesa sa library. Nilabas niya ang dalawang libro at mga bondpaper na may printed at sulat mula sa itim nitong bag.

Ang kapal ng mukha ko teh, legit! Hindi man lang ako umiiwas talagang titig na titig ako sa ganda ng side profile niya.

"Okay, let's start."

Tumikhim ako nang lumingon ito sa akin. My lazy eyes immediately drifted on the books. Avoiding his gaze.

"Saan ka ba masyadong nahihirapan?" tanong nito. I gulped when his dark piercing eyes stared at me for a moment.

"Ano... syempre sa physics."

"Physics naman talaga ang ituturo ko sayo... what I mean is yung specific lesson na nahihirapan ka."

Napakurap-kurap ako. Gusto kong batukan ng kaldero ang sarili sa sobrang katangahan.

Ano ba Zhari! Tumino ka naman juskoooo.

Tumawa ako ng peke para maibsan ang nararamdamang kahihiyan. "Sa lahat e." napakamot ako sa sariling batok.

He smirked and shooked his head. I pouted.

Nagsimula na siyang magdiscuss. Truth is mas naintindihan ko na. Tamad lang talaga akong umintindi Minsan kaya hindi ko makuha-kuha.

Kumatok ang katulong namin. Nilapag nito ang juice at cookies sa lamesa bago lumisan.

Tumigil na muna kami para magmeryenda.

"Pwede ba akong magtanong?" I asked. Kinagatan niya ang isang cookie bago tumango.

"Bakit Hindi ka pa nagt-take ng board exam sa Manila?"

He stopped swallowing the cookie on his mouth. I swear, yung panga niya parang talaga inukit!


"Hinihintay ko lang magbakasyon para makasama sa 'kin ang kapatid ko." he answered while staring at me.

So that means, may kapatid siya! Hindi ko man lang iyon alam. Baka naman sa ibang university nag-aaral? Highschool na ba? College ba or elementary pa lang?

Tumango ako at hindi na nagtanong pa.

"Is it true that you're in a relationship with that playboy?" I was caught off guard by his question.

Si Spencer ba tinutukoy niya?

"Kung si Spencer ang tinutukoy mo, well nah... hindi 'no!" natatawang sambit ko at uminom ng juice. Malamang narinig niya iyo sa mga chismis galing sa ibang students.

"Who's your boyfriend then?" nabuga ko ang juice sa damit niya mismo.

"Hala! Sorry. Hindi ko sinasadya." mabilis ko siyang inabutan ng tissue.

Bakit ba kasi gano'n klase ang mga tanong niya? Nabo-bother ako. Shutangina.

Nakakagulat siya girl, pero buti na lang hindi naman gano'n kabasa. Matutuyo naman siguro mamaya?

"It's okay. Matutuyo naman siguro 'to mamaya."

"Gusto mo bang humiram na lang muna ng extra shirt?" I suggest.

Pwede naman siguro yung oversized shirt ko.

"Ayos lang." he said in a grim tone. Pinapahiran niya pa rin ng tissue ang suot nitong  t-shirt.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon