Chapter 9

120 13 0
                                    

Chapter 9

Days had passed and weeks at si Aris pa din ang nagtutyro sa amin. Unti- unti na rin akong napapansin ni Aris pero hindi ko maiwasang mapansin ang pag-iwas nito minsan.

I really don't know why... O baka naman talagang umiiwas siya sa akin kasi hindi naman ako ang tipo niyang babae?

But despite all of that, I'm genuinely happy. Our small conversation sometimes, makes my heart skip a beat.

'Yon nga lang, walang pinagbago si Spencer. Tinitira pa rin ako. Lagi akong inaaya sa labas kumain. Minsan pumapayag ako pero sa mga araw na busy at maraming gawain hindi ko na ito pinauunlakan.

Isang araw nang ako ulit ang nagdala ng assignments namin sa room niya hindi kalayuan.

"Just leave it there." he said coldly. Tinapunan lang ako nito ng tingin.

"Okay p-po..." I said, stuttering.

I placed the papers on top of the table. I stared at his dangerous face. His jaw slightly clenched while typing something on his laptop.

Napatuwid ako ng tayo nang balingan niya ako sa gawi ko.

"You can leave now Ms. Villarica..." he said in deep baritone voice. Ang malalalim nitong mga mata ay parang nakakapanghina.

I smiled awkwardly at unti-unting tumango. "Okay p-po."

I saw how his brow furrowed before leaving the whole room.

"Sayang, bakit kasi isa lang pwedeng pumasok sa loob ng room ni sir." si Jasper nang makalabas ako.

Umirap ako. "Asus! Mag-iingay ka lang do'n sa loob!"

She just rolled her eyes. Sabay naming nilisan ang lugar matapos no'n.

Biyernes nang sabay kaming naglunch ni Caitlin at Jasper. This time nasa labas kami ng campus. Hindi ko alam kung bakit naisipan nilang dito sa labas kumain.

"Kaya ka siguro nag-aya kasi wala kang klase ngayong hapon, 'no?!" nanalilisik ang mga matang tanong ni Jasper kay Caitlin.

Tumahimik ang lamesa namin nang dumating ang in-order naming pagkain.

"I have class pero mamaya pa mga alas tres ng hapon."

Nagsimula na kaming kumain. Nag-uusap silang dalawa nang biglang napunta na lang sa 'kin ang topic.

Punyeta talaga.

"Anong meron sa inyo ni Spencer? Sinagot mo na ba 'yon?" Caitlin asked.

"Hindi. Ni wala nga akong nararamdaman para sa kaniya kaya bakit ko siya sasagutin?" I asked back. Uminom ako ng tubig matapos.

"Ay teh wala talaga chance ang playboy na 'yon?" si Jasper pertaining to Spencer.

Tamad naman akong umiling. Kumakalat kasi sa campus na kami na daw ni Spencer kahit hindi naman. Naiisip ko pa nga minsan na baka kagagawan iyon ng mga kaibigan niya kaya may kumakalat na gano'ng klaseng kasinungalingan.

Pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kaniya dahil bukod sa wala akong gusto sa kaniya, sa ibang tao lang talaga tumitibok itong puso ko.

Aris...

Mariin akong napapikit dahil sa naisip.

Oh crap! Mas lalo lang ata lumalim ang lihim kong pagkagusto sa kaniya.

Shocks! Just great.

Nang matapos naming maglunch ay dumiretso na kami ni Jasper sa classroom.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon